Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 5

2.7M 53.7K 63.1K
                                    

Aemie's POV

"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Wallace Martin Lionhart, Zeke?" tanong ko kay Zeke habang inaayos ang kurbata niya. Aalis kasi kami ngayon.

"He's not my friend. Never been and never will," sagot niya. Bitter naman ang peg nito ni Zeke. Eh ang sabi ni Kaizer magkakaibigan sila dati, 'di ba?

"Weh?" tanong ko ulit nung matapos ko na ayusin ang necktie. Maniwala naman sa kanya.

Tinitigan ako ni Zeke bago nagtanong din. "Why did you become interested all of a sudden?" Kaya nag-iwas agad ako ng tingin. May sa manghuhula pa naman 'to si Zeke. Madali niya mababasa iniisip ko 'pag nakatingin siya.

Sasabihin ko ba sa kanya? Kaso natatakot baka magalit si Zeke 'pag nalaman niya na alam ko.

*

Kanina pa ako palakad-lakad, hindi ko rin alam kung bakit. Nahahawa na yata ako kay Zeke na weird. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi isipin yung mga nabasa ko na sinend ni Meisha.

Pinsan ni Wallace si Shan Venice.

At dahil sa nalaman ko na 'yan, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na humingi pa nang ibang information kay Meisha.

At—

Mas higit pa doon ang mga nalaman ko.

Si Zeke ang pumatay kay Shan Venice.

Si Mommy ang pumatay kay Moo.

Ikinuyom ko ang kamao ko at saka bumulong, "Bakit?" 'Yan yung tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Bakit nila ginawa ang mga 'yon sa kanilang dalawa?

Gaano ba kalaki ang atraso ni Shan Venice at Moo kina Mommy at Zeke?

Umupo ako sa pink na sofa at huminga ng malalim. Gusto ko tanungin si Zeke at kumpirmahin kasi baka naman mamaya kung saang tsismosa lang nakuha ni Meisha yung mga information na 'yon. Kaso may part din sa 'kin na naniniwala sa mga nakasulat sa documents.

Sa loob ng limang buwan simula nang makilala ko si Zeke, ang daming nangyari, ang dami din nagbago. Minsan feeling ko talaga panaginip lang lahat, pero hindi eh. Totoo lahat ng nangyayari.

Waaaaaa! Masisiraan na yata ako ng ulo kakaisip! Hindi pwede 'to!

*

"Wife?"

Nung mapansin kong nakatingin si Zeke ay lumayo na ako at kinuha ang bag na dadalhin ko. "Wala naman, Dong, naitanong ko lang." Paano ko ba sasabihin sa kanya?

Ngumiti si Zeke habang inaayos ang coat na suot niya kaya nakahinga ako nang maluwag. "Alright, shall we go?" tanong niya.

"Hehehe tara!"

*

"Good morning, Mr. and Mrs. Roswell. I am Sierra Valentine, Mr. Roswell's new secretary."

Tumingin ako kay Zeke na may halong pagtatakha, pero mukhang hindi naman siya nagulat. Kailan pa nagkaroon ng bagong secretary?

"Dong, takas ba sa mental yang isang 'yan?" bulong ko sa kanya.

"Nah. She's our new secretary."

Seryoso? Naniniwala si Zeke sa mga sinabi nung babae?

Ibinalik ko ang tingin ko kay ateng new secretary. Fitted ang suot niyang damit kaya litaw na litaw yung korte ng katawan niya. Sa unang tingin kanina akala ko nga si Barbie siya kasi ganon mga style ng damit ni Barbie minsan. Naka-super miniskirt pa siya kaya para talaga siyang Barbie. Napakapit naman ako sa braso ni Zeke nung mapatingin ako sa suot na sapatos ni ateng new secretary.

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon