CNW 60: GunSlinger Tournament

7.1K 425 29
                                    

Pagkalapag ay mabilis kong inalis ang bag kong para sa parachute. Alpha removed his, too, as he ran towards two bags which are not so far from us. Nakita kong may palapit na babae sa akin na nakasuot pa ng parachutr at talagang binabalak nyang bumaba doon sa merong pistol! Mabilis akong tumakbo doon ngunit dahil mas malapit sya ay nauna sya.

Too bad, hindi pa naaalis ang kanyang parachute. Mabilis ko iyong hinila na dahilan upang mabitawan nya ang magazine ng baril. Wala na tuloy iyong kwenta. Nang humarap sya sa akin ay sinalubong ko sya ng suntok sa mukha. Napangiwi ako. I know that hurts, but please, we want the house!

Dahil hindi pa ito nakakabawi ay mabilis ko syang pinaulanan ng sipa at suntok. Sinubukan nyang lumaban ngunit dahil sa parachute na hindi pa nya natatanggal ay wala syang magawa. I kicked her knee which caused her to kneel, then, I kicked her face that caused her to disappear.

Nightingale used Fists to kill YoursTrully

Tumingin ako kay Alpha at nakitang nakikipaglaban ito sa lalaki na sa tingin ko'y kasama noong napatay ko kanina. He brutally twisted the guy's hand as he used his knee and kneel the guy in his stomach. With a last punch, he guy vanished.

Tumingin ito sa akin pagkatapos. I gave him a thumbs up as I jogged to him. “So magiging heartless tayo ngayon?” I asked him despite of gunshots echoing the whole arena. Natawa ito sa aking sinabi at inabot ang isang bag sa akin.

“I guess so.”

Mabilis kaming naghanap ng baril. I'm holding a pistol with both of my hand while he's already holding a rifle. Nagpakawala ako ng limang magkakasunod na bala sa babaeng balak kaming barilin. She vanished. Mabilis naman kaming lumapit dito ay kinapkapan sya para may muli kaming magamit.

“Get her bag.” Utos sa akin ni Alpha. Mabilis kong sinunod ang kanyang sinasabi at inilipat ang mga gamit ko sa bag nito. Malaki rin kasi. Kinuha rin namin iyong mga bandages at medicine kits nito, lalo na ang mga baril bago nagpatuloy sa pagbaba.

Mula sa isang gilid ay narinig kong bumukas ang pinto bago ko narinig ang utos ni Alpha. “Duck!” Mabilis akong yumuko. Sya'y nagpaulan ng bala sa lalaking mas malapit sa akin ngunit bumaril din ito. The guy's holding a shutgun. Kalat ang bala kaya'y may tumama pa rin kay Alpha. Eventually, he killed it.

“Bilis!” Mabilis kong hinila si Alpha at sinarado ang pinto. May daplis sya sa kanyang braso. Nilagyan ko iyon ng anesthesia upang hindi nya maramdaman ang sakit bago binuhusan ng alcohol at tinakpan ng gauze. Nang mapatingin ako sa life force nya sa bracelet ay bumalik iyon sa 100.

“Thanks, wife.” Sabi nito at kinapkapan ang lalaki. Kinuha nya ang shutgun nito at inabot sa'kin ang Thompson na gamit ng lalaki. Binigay nya rin sa'kin ang SR silencer nito na hindi pa nagagmit dahil wala pang nakukuha.

“Loot first or find car?” I asked him. Malapit na kasi kami sa labas at kaunting barilan na lamang ang maririnig dito.

“Car. We'll hunt your Barrett first.” Ngumuso ako sa kanyang sinabi ngunit napangisi rin.

Mabilis kaming nakahanap ng kulay itim na BMW. It's not a bulletproof so we really need to avoid bullets. Si Alpha ang nagdrive habang ako nama'y tumitingin sa paligid. Not so far, we saw a crate. Iyon lang nakuha na!

“Get the helmet, wife.” Utos nya. Oo nga pala, kailangan naming protektahan ang ulo namin dahil iyon ang critical hit dito. Kinuha ko ang level 2 helmet na nakalapag sa ibaba at sinuot. Pagkasuot ko pa lamang ay para bang nakita ko sa isang gilid kung ilan na lang ang natitira.

265 left

“Ang dami pa pala.” Sumbong ko kay Alpha. He chuckled but continue driving. Paikot-ikot lang kami, sa totoo lang, hanggang sa may makita akong couples na tumatakbo. “Oh em gi, kill them mah boy!” Tinuro ko ang dalawa. Alpha chuckled. Kinalas ko ang seatbelt ko at sumilip sa bintana ng kotse. Nagsimula akong magpakawala ng bala sa mga ito.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon