Chapter 11 : Old Lady Knows Something

982 80 27
                                    

CHAPTER 11

NIANA'S POV






PININDOT NI Kean 'yung bakal na nakausli.

Maya-maya pa, biglang nahati sa gitna 'yong pader. Dahil do'n, nagkaro'n ng parang lagusan. 'Yon nga lang, dahil sa madilim sa loob, hindi namin alam kung saan 'yon papunta o kung anong meron sa loob no'n at saan nito dadalhin ang mga dadaan dito.

"Pasok na! Dalian mo!" sigaw ni Kean kay Rhianne. Pilit niyang tinutulak si Rhianne papasok sa madilim na pasilyo.

"Teka! Hindi naman natin alam kung anong naghihintay sa atin sa loob. Baka mamaya mas maraming infected d'yan. I don't want to risk my life!" sagot ni Rhianne. Pinipilit naman niyang huwag makapasok sa loob kahit pa tinutulak na siya ni Kean.

"Surely you don't want to risk your life staying here too," pangungumbinsi ni Kean sa babae. "Kung ayaw mo, ako na lang," aniya.

Akmang papasok na si Kean sa loob ng kwarto na madilim, pero pinigilan siya ni Rhianne nang nakakaisang hakbang pa lamang siya. Hinawakan ni Rhianne si Kean sa braso. Nilingon si Rhianne ng lalaki at tinaasan siya nito ng kilay.

Were I to be in this chaos tatakbo na lang ako nang tatakbo basta masiguro ko lang na nakakalayo ako sa mga infected. Hindi ko maintindihan kung saan pa sila nakakakuha ng oras para mag-usap.

"P-paano 'yong iba na hindi pa infected? Hindi ba natin sila i-isasama?" tanong ni Rhianne.

Napa-buntonghininga naman si Kean. Halatang iritang-irita na siya at natataranta dahil pinagpapawisan na siya nang malala. "Look around, Rhianne. Tingin mo ba meron pang mga tulad natin na hindi pa rin infected? Wala na—at kung meron man, hindi na natin sila dapat pang intindihin," paliwanag ni Kean.

"Pero—"

Hindi na pinatapos pa ni Kean ang sasabihin ng dalaga at walang sabi-sabing hinatak si Rhianne papasok sa pasilyo. Walang nagawa si Rhianne nang matangay na siya ni Kean. Wala na rin naman silang choice dahil nakita na sila ng mga infected na mabilis na tumakbo papunta sa gawi nila.

Laking pasasalamat nilang dalawa nang agad masara ni Kean ang pintuan dahilan para hindi sila mahabol ng mga infected. Nang masiguro na secured na ang harang, tanging paghinga na lamang nilang dalawa ang namayani sa espasyo kung nasaan kami. Bakas sa mabibigat nilang paghinga ang pinaghalong relief at takot.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" maiyak-iyak na tanong ni Rhianne.

"We must keep moving forward. Hindi rin tayo safe rito kung magtatagal tayo sa lugar na 'to. Sooner or later they might break in," sagot ni Kean bago niya hanapin ang kamay ni Rhianne mula sa dilim. Nang mahawakan na niya ang dalaga, ginabayan niya ang kamay ng babae papunta sa braso niya bago sila magsimulang maglakad, kinakapa ang daan.

Kung nasa twenty twenty ako ngayon, nasaan kaya ang future self ko sa mga oras na 'to? Buhay pa kaya ako o infected na rin? Kung sakali mang magkatotoo ang vision na 'to, nasaan kaya ang pamilya ko at si Midori?

"Kean, alam mo ba kung bakit sila naging gano'n?" pagbasag ni Rhianne sa saglit na katahimikan sa pagitan nila ni Kean. Marahil para malihis ang atensyon nila mula sa hiyawan na naririnig pa rin nila mula sa gym.

Hindi agad sumagot si Kean dahil naka-focus siya sa pagkapa ng dinadaanan nila. Paisa-isa rin sila nang paghakbang dahil sinisigurado muna ni Kean ang aapakan nila. "Hindi ko rin alam," sagot niya matapos silang makahakbang muli.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon