CNW 61: Myth

6.7K 395 44
                                    

Okay. Magsisimula na tayo sa mysteries... este unti-unti ko ng ibubuking kung bakit ganito at ganyan. Pagkatapos, boom ending.

--

“What do you think you're doing?” Ngumuso ako at mas lalong yumuko. Dustine blew a deep sighed, as if he's already giving up to my stubbornness. Sinulyapan ko sya at nakita itong minamasahe ang kanyang noo.

“Eh…” Sinarado kong muli ang aking bibig sa kawalan ng explanation. I mean, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko.

I was so lost with my actions that I didn't think about the possible consequences of it.

“Okay…” I secretly look at Dustine. Nang bumaling ang tingin nito sa akin at mabilis akong yumuko. “Alam mo namang mas lalong magiging mainit ang tingin nila sainyo pagkatapos ng scandal na 'yon.” Namula ako sa katagang scandal. Grabe, ha! PDA lang naman! “Alis ka na, 'wag ka munang babalik at papuntahin mo dito si Alpha. Kailangan ko syang kausapin.”

Dahil sa kanyang sinabi ay mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya. “Bakit kailangan pa syang kausapin?”

But Dustine being Dustine, he just raised his brow as he crossed his arms in front of me. “Kailangan ka nyang panagutan.” Mas lalong nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi!

“What the hell!”

“Your mouth, Levina Tatiana!” Mabilis kong naitikom ang aking bibig sa riin ng kanyang boses. And. He's. F—cking. Serious. About. Talking. To. Alpha!

“Eh naman! Kiss lang naman 'yon!” Namula ako lalo sa aking sinabi. Sinulyapan ko sya at nakitang mariin itong nakatingin sa akin, seryoso, as if wala ng makakapagpabago sa kanyang desisyon.

“Now, call him and ask him to come here, right now.” I tried to look cute in front of him. Baka sakaling tumalab, ngunit mas lalo lamang nanliit ang tingin nito sa akin. “Now, Levina. My time is ticking and I'm busy.” I sighed in defeat as I message Alpha to come here. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.

“Done—” Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang mabilis nya iyong putulin.

“Okay alis.” I pouted. Okay, fine!

Hindi ko na naabutan pa si Alpha nang dumating ito sa bahay ngunit nabalitaan ko mula kay Yvonne na dumating daw kaagad ito nang ako'y makaalis. Now, I'm clinging Wolfy as I walk toward a forest's entrace. I have a solo quest here and I decided to bring Wolfy to train him.

The quest is all about killing nymphs. Sa tingin ko rin ay madali lang ito kung kaya't suot ko ang dati kong pinanglalaban— the uniform-like fighting suit and my cloak.

Nakarinig ako ng kaluskos hindi kalayuan sa amin. I think we're here. Ibinaba ko si Wolfy at mabilis naman itong nag-equip sa kanyang panlaban. Oh. I forgot that I found a pet's armor in our couple inventory, premyo yata sa nakuha namin kahapon kaya't pinasuot ko iyon kay Wolfy. Right now he has armors around his body and his nails became larger. May armor din sya sa kanyang noo— iyong armor necklace na nakuha ko rin mismo noong natalo ko sya bilang Alpha na level 70.

Nagising ako mula sa aking iniisip nang makarinig ako ng tawa sa aking paligid. Kumuha ako ng scythe mula sa multi-dimensional kong cloak at mabilis na nagkaroon ng armors ang aking katawan na tugma sa sandata kong nakuha.

Hindi ko rin alam ngunit madalas na may pagbabago sa akin, tulad na rin nito. Hindi ko na lang pinagbibigyan ng pansin tutal hindi naman ako nito pinapahamak.

Muli ay nakarinig ako ng halakhak ngunit sa pagkakataong ito ay mas malapit na sa akin. Alpha jumped like he attacked something. Mabilis ko namang hinarang ang pasugod sa akin at nakitang ugat iyon ng puno.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon