CNW 62: Another Players

6.1K 350 20
                                    

Maybe we shouldn't believe in what others say without the evidences like we shouldn't trust someone whom we just met but I think it's hard, especially when you badly need to know the answers of the questions you've been asking to yourself.

Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang kanyang sinasabi. I don't know about the book he said but I think Yvonne already mentioned something similar like that. Myth book? I think I need to find it.

Madami pa itong kinwento habang ako'y nanatiling nakikinig lamang. Minsan ay lumilipad ang aking isipan ngunit hindi naman nya mapupuna iyon dahil hindi nya alam, 'di ba? Kwento lang ito ng kwento hanggang sa mapagod yata ito kakasalita o napansin nyang hindi ako nakikinig kaya't tumigil ito. Pabor naman iyon sa akin, actually.

Hindi nagtagal ay nagulat ako nang may paparating na matulis na bagay sa'kin. Shurikens. Mabilis akong lumundag para iwasan ito. Dahil sa biglaan kong galaw ay nagising si Wolfy at mabilis na nagtransform sa kanyang tunay na itsura. Supremo was shocked— but it was like he already know who owns those shurikens because he suddenly shielded himself in front of us— take note, open arms.

“Catastrophe, stop! I know her!” Sigaw nito. Nanatili akong alerto habang si Wolfy ay nananatiling naggogrowl sa isang pwesto. Hindi nagtagal ay may lumabas ditong babae— babaeng may kulay brown na buhok at green na mata. She looks like a cat woman— without ears of course. Kulay itim na maikli at fitted na dress kasi ang suot nito at may gloves at boots syang itim. Nang tumingin tuloy ito ay mas lalo syang nagmukhang pusa.

“Why are you with a stranger?” Tanong nito at sa totoo lang, nabakasan ko ng kung ano ang boses nito. I shook my head as I saw the guy— Supremo, shyly put his hand on his nape.

“Nawala ako eh,”

“Ay tanga.” Sabi ng babae. Nagulat ako nang bigla itong lumundag sa harap ko. Wolfy was about to attack her when I signaled him to stop. Bilang masunurin na alaga ay umatras ito, ngunit bilang makulit rin ay nanatili itong galit at naggogrowl sa harap nito.

“You got a legendary pet,” Sabi nito nang mabaling ang tingin kay Wolfy, pagkatapos ay nabaling ang tingin nito sa akin, mali, sa username ko at kumunot ang kanyang noo. “Nightingale? The queen?” May bumakas sa mukha nito bago bumaling sa lalaki. “Why are you with the queen?”

Kung ang babae ay alam na alam kung sino ako, ang lalaki naman ay hindi. Kumunot ang noo nito sa katanungan at sinilip ako habang iniisip kung sino ako. “The queen?”

Nakita kong napairap ang babae sa kanyang narinig. “Tanga talaga,” Bulong nito bago naglahad ng kamay sa'kin. “Catastrophe,” Pakilala nya. I'm not rude okay?

“Nightingale,” Tinanggap ko ang kamay nito. Bumaling kaagad ang tingin nito sa isa kong kamay at nakita ang singsing doon na ikinataas ng kanyang kilay. “Married?” Parang natural nyang sabi ngunit bakas ng pagkagulat ang kanyang itsura.

Napangiti ako. “Yeah.”

“Oh, the rumors are true.” Sabi nito at ngumuso. Nakita ko ang palihim nyang sulyap kay Supremo na naguguluhang nakatingin sa amin. I don't know but they're cute.

“Teka, ano bang pinag uusapan nyo?” Supremo asked. Naglalakad na ito palapit sa amin. “Nasaan ba sila Trinity?” Tanong nito sa kasama nito ngunit hindi ko na pinagbigyan ng pansin. I motioned Wolfy to shift to his cute size in which he understood naman. Mabilis itong lumundag ulit sa akin na sinalo ko naman, ngunit hindi katulad ng kadalasan ay alerto ito at ayaw matulog.

“Ayan, gala pa kasi. Hindi naman kabisado ang lugar.”

“Sorry naman, alam mo namang adventurous ako.”

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon