Chapter 10

280K 6.6K 616
                                    

Pinaikot ni Josh ang bote at ito ay tumigil sa pwesto naman ni Joan.

"Oh Joan, it's your turn to shine!" Wika ni Josh.

"Naman, ano pa't naging kamukha ko si Pauline Luna kung hindi rin lang ako sisikat aber!" Wika nito sabay tayo sa kaniyang pwesto.

"Isang tanong, isang sagot, Truth or Dare?" Wika ni Josh.

"Dare syempre, gusto ko yung nachachallege ako." Wika nito na nagiistretch pa ng kamay.

"Pero bago ang lahat, ano nga pala ang letrang iyong pinanghahawakan?" Wika nito.

"Ano pa ba? Ade me plus you? Letter U!" Pagbibiro nito habang sumasayaw-sayaw pa.

"Exciting ito Jo, UNDRESS yourself. Diba nakaswim suit ka naman? Iyon lang ang iyong itira." Wika nito habang nagtataas-baba ang kaniyang kilay.

"Ayun oh! Mukhang may pagnanasa pa si Josh sa katawan ni Joan. Haha!" Biro ni Abi.

"Oo nga! May balak ka pa yatang agawin iyan kay Dion." Dugtong naman ni Arianne.

"Oops, walang personalan! Haha!" Pagtanggi nito.

"Iyon lang ba? Asus, wala man lang kalatuy-latuy!" Wika nito at sinimulang tanggalin ang kaniyang subrero na pangtag-init.

Dahan-dahang tinanggal ni Joan ang blouse niya na may kasamang pang-aakit. Lumantad sa madlang classmate ang napakaputi niyang katawan. Sinunod naman niya ngayon ang kaniyang mini skirt. Nang matanggal na niya ng tuluyan ang kaniyang saplot, bumungad sa lahat ang napakagandang pigura ng dalaga. Naka two piece naman ito na kulay blue at nagpose pa ala model ng FHM.

"Hindi ko akalain na ganiyan pala ka-sexy si Joan! Na T-Boom na yata ako sa kaniya!" Sigaw ni Mae.

"Ano pa't naakit ko si Bossing kung hindi naman malamas ang aking karisma diba?" Pabiro nito.

Kilalang-kilala talaga si Joan pagdating sa pagpapatawa dahil sa nasobrahan siya sa sense of humor. Nakuha niya ring gayahin ang mannerisms ng kanilang mga professor.

Nagulat ang lahat ng biglang tumayo si Dion at naglakad palayo sa kanilang pwesto.

"Ano nangyari doon?" Tanong ni Roxetre habang nakakunot ang noo.

"Walk-out prince lang ang peg?" Wika naman ni Tin.

"Hay, mukhang hindi yata natuwa sa ginawa ni Joan." Singit naman ni Grace.

"Mukhang war ang kalalabasan nito." Wika ni Joan at dinampot isa-isa ang kaniyang mga saplot sa sahig.

Maya-maya pa ay bumalik sa kanilang kinaroroonan si Dion dala ang isang puting kumot.

"Oh, itago mo na ang katawan mo. Masyado mo namang ineexpose sa iba." Wika nito sabay balunbon ng kumot sa katawan ng dalaga at inakay ito pabalik sa upuan niya.

"Wow, ang sweet naman ni Dion! Napakacaring naman!" Wika ni Nikka na tila ba nainggit sa moment ng dalawa.

Nang makapagbihis na muli si Joan at nagpatuloy ang kanilang laro. Pinaikot niya ang bote at ito ay tumapat naman kay Grace.

"Oh Gracia! Easy o Hard?" Tanong ni Joan.

"Tinatanong pa ba iyan? Syemore Easy! Haha!" Wika nito habang nagkakandatirik pa ang kaniyang mga mata sa sobrang ligaya.

"Depende iyan kung ano ang pipiliin mo. Truth or Dare?" Tanong ni Joan na nais pa itong sindakin sa kaba.

"Alam kong pahihirapan mo ako kaya naman Truth na lang! Hehe!" Wika nito habang nakadantay pa ang ulo sa kanang balikat ni Mae.

"Pero bago ang lahat, maaari ko bang malaman ang letra nakuha mo upang ika'y maging salat?" Patuyang tanong nito.

"Kurat! Letter E!" Wika nito at nakacross arms naman siya ngayon habang naka-indian seat.

"Ahm, ang easy word mo ay EMBARASSING. Ano ang embarassing moment mo na hinding-hindi mo makakalimutan na nangyari sa ating school?" Tanong ni Joan.

"Easy pa ba iyan? Mukhang ang hirap kaya! Pero sige, aamin na ako." Wika nito habang nakayuko.

"Hala, may aaminin si Grace! Mukhang masyadong controversial ah!" Wika naman ni Mark.

"Ang pinakaembarassing moment na iyon ay ng malaman ng Crush ko na Crush ko siya at ipinagsisigawan pa naman niya." Paglalahad nito.

"Parang kilala ko na siya!" Wika ni Mia.

"Si Jerome! Oh my Gee! Aminan na ng feeling oh!" Wika naman ni Tin habang nakahawak pa sa kaniyang dibdib.

"Oo siya nga! Pero ang manhid niya lang!" Ipinagduduldulan ito ni Grace sa lalaking nasa kanan niya.

"Ang tanong, may nararamdaman ba si Jerome sayo? Oh si Nikka ang tinitibok ng puso nito?" Tanong ni Aga habang nakadungaw sa tatlo.

"Pati ako nadamay dito! Wala naman akong gusto kay Jerome!" Singit ni Nikka.

"Sino ba nagsabing may gusto ka sa kaniya? Ikaw lang diba? Masyadong defensive! Hehe!" Wika naman ni Aaron na tila binubuking ito.

"May lihim ngang pagtingin si Grace Kay Jerome! Ang tanong, sino kaya ang makakakamkam sa puso ni Jerome?" Wika nanan ni Xiara.

"Yun lang! Haha!" Wika ni Tom.

"Oh siya siya, tapos na ako so spin the bottle na ulit." Singit ni Grace na tila ba naumid.

Sinimulan ng paikutin ni grace ang bote habang kinakabahan ang lahat. Ilang segunda lang ang lumipas at ito ay tumigil. At ang natapatan naman ay si Hannah.

"Oh paano ba iyan Hannah? Mukhang magkakaalaman na? Haha! Truth or Dare?" Wika ni Grace habang nakangiti rito.

"Haha! Grace talaga! Syempre Truth noh!" Nakakalokong tawa nito.

"O' siya, ano ang mahiwagang Letrang hawak mo?" Tanong niya rito.

"Letter A! Stands for Amazing Hannah!" Wika nito sabay tayo at nakapogi pose pa.

"Pogi mo! Haha! Ang word ko para sayo ay Alipin. Kung ikaw ay magpapaalipin sa isa sa mga kaklase nating lalaki, kanino ka maglilingkod at bakit?" Tanong ni Grace.

"Slave lang ang peg Grace? Hehe!" Wika ni Agatha.

"Naman! Oops, mga boys, huwag green! Haha! Alam ko mga iniisip niyo!" Wika ni Grace sabay turo sa mga lalaki.

"Actually Grace, hindi ko na kailangan pang magpaalipin pa dahil matagal na niyang inalipin ang puso ko." Wika ni Hannah habang nakatingin sa lalaking tinutukoy niya.

"Oh! Sino ang maswerteng lalaking umalipin sa puso mo?" Tanong ni Roxette.

"Ako alam ko kung sino! Si Papa--" hindi na natuloy ni Joan ang kaniyang sasabihin dahil tinakpan ni Hannah ang kaniyang bibig.

"Ang daldal mo talaga! Hayaan mong ako na ang magpaalam sa kanila." Wika ni Hannah sabay tanggal sa kaniyang kamay na ipinangtakip sa bibig ni Joan.

"Ewan ko ba, noong una eh wala naman akong gusto sa kaniya. Pero, simula noong naging close kami sa isa't isa eh lumalim ang pagtingin ko sa kaniya. Hanggang sa nalaman kong mahal niya na rin ako at hiniwalayan nito ang girlfriend niya. Ngayon ay aaminin ko na, boyfriend ko na siya, ang lalaking umalipin sa aking puso, walang iba kundi si Kian Cruz." Wika niya sabay tayo at nilapitan ang tinurang boyfriend tiyaka niya ito niyakap.

"Ayiee! Kinikilig tuloy ako! Ang sweet niyo naman. Sana pumayag si Roxette na mayakap ko rin siya!" Makulit na wika ni Ethan.

"In your dreams!" Pagtataray ni Roxette rito.

"Ayun eh! Patagong pag-ibig nga naman, kay sarap manamnam." Wika ni Henry na nag-ala makata na naman.

"Kayo na talaga! Inggit ako! Haha!" Pagbibiro ni Grace sabay dukdok sa kaniyang dalawang tuhod.

"Oh tama na iyan, nilalanggam na kayo masyado hehe! Oh Hannah, pailutin mo na." Wika ni Agatha na bakas pa hanggang ngayon ang kilig dulot ng dalawa.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon