Chapter 3.1: I'm dead?

37.5K 1.5K 115
                                    

Chapter 3.1: I'm dead?

Enjoy Reading!

Sakura Lee's Point of View

"Ahhhhh!" malakas na tili ko.

No way!

Nanaginip ba ako?                                      

Bakit ganito ang itsura ko? 

Bakit ang mukha ni stupid ang nakikita ko?! 

Kahit masakit ang buong katawan ko ay nagpumilit akong bumangon. Nang hindi ako makabangon ay nagsisigaw ako. Lahat ng tao na nasa loob ng room na iyon ay gulat na gulat sa ginawa ko.

Ang mag-asawa na nasa harapan ko ay napaiyak na lamang na nakatingin sa akin.

Ang doctor at mga nurse naman ay pinipigilan nila ako sa aking balak. Nanlaki ang aking mga mata na makita ang syringe na nasa harapan ko na balak i-inject sa akin.

Shit! 

Ayoko!

Hindi puwede!

Nagpumiglas ako pero hinang-hina na ako at kahit anong pilit ko pero mukhang huli na ang lahat dahil unti-unting lumabo ang aking paningin. 

Bakit? 

Sana panaginip lang ito.

Sana... at tuluyan na nagdilim ang lahat.

Sakura!

Sakura!

Sino ka?

Sakura!

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napansin ko sa buong paligid ay napapalibutan ng kulay puti. Nasaan ba ako? 

Nasa langit na ba ako? 

Natawa ako sa aking naiisip. Tinatanggap na pala ang isang tulad ko sa langit.

Sakura!

Hinanap ko ang tumatawag sa akin.

Sakura!

Napasimangot ako at nagdesisyon na huwag na hanapin ang tumatawag sa akin. Ano bang akala niya sa akin? Uto-uto? Damn!

Napalingon ako ng may kumalabit sa akin at nakita ko si stupid Sakura na nakangiti.

So siya pala ang tumatawag sa akin. Naalala ko na naman ang nakita ko sa salamin, sabi na eh... panaginip lamang iyon kanina.

"Ano ba ang problema mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Umiling siya sa akin na nakangiti. "Tara?" sabay lahad ng kanyang palad sa akin.

Tinititigan ko ito ng matagal. "Saan?"

"Hmmm..." tanging sagot niya sa akin, sabay turo sa isang nakakasilaw na liwanag.

Hindi ko alam kung bakit pero inabot ko ang kanyang palad na nakalahad at walang kibong sumunod sa kanya.

"Alam mo bang ang saya-saya rito, Sakura. May mga kaibigan na rin ako," masayang pagkukuwento niya sa akin.

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya. "Walang lungkot at sakit dito," nakangiting dagdag niya pa.

"Stop it, Stupid," saway ko sa kanya. "Tandaan mo, nasa material world tayo and everything is temporary," nakasimangot na sabi ko. "At sa pagkakatanda ko na sa mundo natin ay required tayong masaktan."

"Kaya nga masaya dito Sakura. Ipinagkakaloob Niya ang walang hanggan na kasiyahan dito."

Niya? 

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon