Chapter 22: Director's Office

16.1K 466 1
                                    

ZEY'S POV

Marahan kong minulat ang mata ko at inilibot ang tingin...

Teka?Nasaan ba ako?

Umupo ako sa kamang hinihigaan ko..

Medyo sininghot ko muna yung paligid at dun ko napagtantong nasa ospital pala ako...

Tinignan ko ang kamay ko na may nakakabit na dextrose

Napatingin ako sa pintuan ng tumunog yun at pumasok si Mond na may dalang pagkain..

Nginitian niya ako at inilapag ang tray pagkalapit sakin..

"Kumain ka na..."

Kumunot ang noo ko at inalala ang nangyari...

Liam..

Kwarto..

Maraming palaka..

Ehh??

"A-alam ba ng parents ko to?"

Umiling siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa

"Kumain ka na..Tatlong araw kang natulog kaya paniguradong gutom ka."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Tatlong araw??"gulat na tanong ko sa kanya

Tumango naman siya

Napabuntong hininga naman ako..

"Ano bang nangyari sakin nung mahimatay ako?"tanong ko sa kanya

"Uh...Your nose bleed..And...You look pale..."

Napanguso ako..

Sakit ko talaga yun kapag nakakakita ako ng palaka...

Hindi ko rin alam kung bakit at paanong nagkaroon ako ng ranidaphobia pero ang alam ko..Ayoko sa kanila.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may naalala ako..

Tinignan ko si Mond na nakatingin lang din sakin,tumaas ang kilay niya na parang nagtatanong ng 'bakit?'

"Bakit alam mo na may phobia ako sa palaka?"tanong ko sa kanya

Napatuwid naman siya ng tayo at bahagyang umubo

"Uhm..I'm just....Guessing it?"alinlangan niyang sagot sakin

Pinanliitan ko siya ng mata at binuka ang bibig pero bago ko pa ulit matanong si Mond ay may pumasok na kung sino sa kwarto kaya napatingin kami dun.

"Zey?Are you okay now?"nag-aalalang tanong ni Deil

Tinanguan ko naman siya

"I didn't know na may Ranidaphobia ka.Ikaw pa lang ang kilala kong merong ganun.Although,alam ko sa sarili ko na takot ako sa palaka pero yung sayo naman grabe na...May pagdugo ng ilong at paghimatay pa."sabi ni Diel

"Is that even normal?"tanong ni Deil

"Normal lang daw yun ang sabi ng doctor kapag nasobrahan ka sa takot...Maybe nasobrahan si Zey sa takot dahil na rin sa dami ng palakang nasa room na yun.."sagot ni Mond

Anu ba yan..Usapang palaka?

Tahimik na lang akong kumain habang sila ay tanong ng tanong sakin at wala na rin akong ibang ginawa kundi ang tumango at umiling sa mga tanong nila.

----

HENZ'S POV

Napapikit ako ng mariin ng hampasin ng director ang table niya dito sa opisina..

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon