Kabanata 18: Ang Pagkikita

124 9 1
                                    

Arito POV

Nang mag kasalubong ang espada ni Sakura at ang demonyo, isang malakas na pwersa ang gumimbal sa paligid at naglabas ng hangin na halos nanira ng lahat ng matamaan.

"Sanctus.", ang bulong ni Sakura at sumabog sa dugo ang katawan ng demonyo.

"Argh! Anong nangyari!?", galit na sigaw nito at hindi makapaniwala.

Sumugod naman ng sabay ang dalawa pang demonyo ngunit hindi umalis sa kinatatayuan si Sakura.

Yumuko ito nang napaka bilis at saktong sakto sa oras nang tangkain siyang kalmutin ng demonyon. Tinapat niya ang kanyang espada sa katawan nito saka walang awang sinaksak.

"ARAAAAAY!!!", gigil na gigil na sigaw ng demonyo nang mag usok ang parte kung saan siya sinaksak ni Sakura.

"Haaaaaa!!!", binuhat niya mula sa espada ang higanting halimaw saka hinampas sa isa pang sumusugod na demonyo. Nagtalsikan silang dalawa sa rebulto ni hesus na nabarag at dinaganan ang dalawa.

"Sinabi ko sa inyong dudurugin ko kayo.", nag iba narin ang kanyang boses at parang... nakakatakot.

Di nagtagal ay tumatawang tumayo ang mga demonyong ito na parang wala silang mga sugat.

"Dudurugin? HAHAHAHAH! Paano dudurugin ng ipis na kagaya mo ang-  ORGH!!", pagtawa ng unang demonyo at sa isang pikit ng mata ay nakasaksak na ang espada ni Sakura sa bibig nito na tumagos pa sa kanyang batok.

"Sanctus Deus Sabaoth."

"AAAAAARGHHHH!!! AAAAAH!!", at ang buong katawan ng demonyo at nagsabog sa dugo.

Magaang tumalon si Sakura at hinarap ulit silang tatlo.

"Ang Sanctus sa kanyang Blood C+ form ay may kakayahan na gawing abnormal ang pagdaloy ng dugo ng kanyang kalaban na kanyang masasaksak.", paliwanag ni Katherine. "Kapalit ng kanyang sariling dugo na kanyang ginawa nang saksakin ni Sakura ang kanyang tiyan."

Sumugod ang dalawang demonyo at inatake ng inatake si Sakura ngunit kakaiba ang kanyang bilis! Hindi ko pa siya kailanman nakita na ganito makipag laban!

"Yan ay dahil nirereserba ni Sakura ang kanyang espiritwal na lakas at kapangyarihan para sa pahanon na kakalabanin niya ang tatlong demonyong ito at ang kanyang kapatid.", ang biglang sabad ni Ashley.

"Kayang kaya to ng girlfriend mo. Magtiwala ka sa kanya Arito.", ang sabi naman ni Alice. "Siya ngayon ay nasa isang daang porsyento ng kanyang lakas na kayang makipag tagisan kahit sa mga katulad ni Ersilia. Baliwala ang mga alagad na ganito sa kanyang tunay na lakas bilang Black Exorcist."

"MAMATAY KANA!!", sigaw ng tatlong demonyo ng ma korner nila si Sakura sa isang sulok.

Tinakpan ni Casvel ang mata ni Allen.

Hindi lang ako makapaniwala na pataas niyang hiniwa ang isa sa mga demonyo at tumalon palayo.

Nahiwa sa dalawa ang katawan nito at tila nagugunaw na parang abo.

Mas lalong lumaki ang mga seresaa na pakpak ni Sakura at nagsimula siyang lumipad. Tumapat siya sa pulang buwan at nag echo sa buong lugar ang kanyang sinabi.

"Alis Propriis Volat..", tinaas niya ang kanyang espada at nagsabog ito sa purong itim at pulang enerhiya. "Dum spiro spero...'

Mas lalong nagpula ang buwan sa kanyang ginagawa.

"Ito na! Ang pinaka malakas na atake ng Sanctus! Umalis na tayo dito ngayon din!", sigaw ni Padre Francisco at lahat sila ay nagtakbuhan palayo.

Palaki ng palaki ang enerhiyang nakabalot sa Sanctus ni Sakura. Nabibiyak na ang mga lupa sa pwersa nito.

The Black ExorcistWhere stories live. Discover now