Chapter 24.1

15.8K 439 14
                                    

DEIL'S POV

Nandito ako sa classroom namin sa isang international school sa U.S.

Sinalpak ko ang earphone ko sa tenga saka nakinig ng music..

Bata pa lang ako mahilig na ko sa music..

"Stop it!"

Napatingin ako sa sumigaw at naitanggal ko ang isang earphone ko dahil sa nakita ko

Binubully na naman ng babaeng chinese na yun yung amerikanang babae

Kumunot ang noo ko ng bigla nitong sampalin ang babae

Ang ibang kasamahan nito ay nirerecord ang ginagawang pangbubully ng kasama nila

Napatingin ako sa upuan ni Diel

Wala siya ngayon kasi may shooting siya..Mabilis lang siyang nakuhang model dahil na rin sa ganda nito at confidence..

Napatingin ulit ako dun sa kanila..

Mariing pinikit ko ang mga mata ko..

Kahit ngayon lang,sana sapian ako ng katarayan ni Diel..

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila

Nakita kong akmang sasampalin na naman niya ang babae kaya pinigilan ko ang kamay nito..

"Stop bullying her..."sabi ko sa kanya

Natawa naman yung siya sa sinabi ko...

"Nǐ shì shéi?(who are you)"

Napatingin ako sa babaeng binubully nila..Nakayuko lang ito habang yakap ang bag niya

Napalunok muna ako sa sarili kong laway upang lakasan pa ang loob saka muling ibinalik ang tingin sa kanya

"I didn't understand what did you say but please...Don't slap her.Don't you know that she can sue you by hitting her so many times?"

Nagtawanan silang magkakaibigang chinese bago ako muling tinignan nung babaeng kaharap ko

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya at marahas niya iyong inalis..

"Wèishéme wǒ huì tīng nǐ de?(why would i listen to you?)"nakataas ang kilay na sabi niya

Napabuntong hininga naman ako

"I told you that I can't understand your language..Are you deaf?"

Bigla namang naging seryoso ang mukha niya at tinignan ang mga kasamahan niya saka tinanguan..

Nagtaka naman ako at huli na ng malaman kong hinawakan nila ang magkabila kong braso

"Let me go!" sigaw ko

"Nǐ bù zhīdào tā de biǎo zi..(You didn't know her bitch..)"sabi ng nakahawak sa kanang braso ko

Napapikit na lang ako ng sampalin ako ng malakas ng babaeng kausap ko kanina na hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi

"Nǐ pèng dào yīgè cuòwù de rén!(You bump with a wrong person!)"galit na sigaw niya at sinampal na naman ako

Naiiyak na pumikit na lang ako

Tsk.Alam ko naman kasing hindi ko magagaya si Diel pero eto,nagmagaling na naman ako..

-----

(Back to reality)

"Yun na yun?"Nakakunot noong tanong ni Zey

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon