Chapter 13: Magic Word

569K 12.9K 2K
                                    


MARC'S POV



It was past the curfew time already. Pero kami ng mga kaibigan ko? Heto at bigay na bigay pa rin sa pagdidiwang sa pangunguna namin para sa unang araw ng palaro. Magandang simula ito para maangkin ang championship mula sa mga madudugang bakulaw ng Reighzine na iyon.



M" abuti nga at gamot at pahinga lang ang katapat ng sama ng pakiramdam ko kanina eh. Kung hindi, wala na akong maaabutang pagkain dahil sigurado akong bago pa pumatak ang alasdose ay nilamon na nina Jonathan ang mga handa. Mga patay-gutom pa naman iyon! 



"Oy, Marc. Barbecue 'o." pagkuha ni Courtney sa atensyon ko na kanina'y nakatuon sa liwanag na dulot ng buwan sa malawak na kalangitan. Napangiti naman ako at walang pagdadalawang-isip kong inabot ang pagkaing inaalok niya. 



Mamaya masulot pa ito ni Alexis eh. 



Sarap na sarap akong kumakain at kumukuha sa mga nakahanda sa hapagkainan namin dito sa headquarters nang mapansin kong sinasagi ni Thelina ang braso nang pasadya. I have easily sensed that there is something she wants to say so I stop from picking up food for a moment. 



Inilapit ko ang tenga ko para marinig ko ang sasabihin niya kaya lang daig pa ni Sky ngayon ang mga lasinggero sa kanto sa pagkanta sa karaoke. Gabing-gabi nambubulabog. Palibhasa nandito si Fiacre. Tsk. 



Kaming mga HEADs naman ay hindi maiwasang tingnan ng masama ang kasamahan sa nakakahiyang pinaggagagawa niya. Paano pa kaya kung nakainom ang loko? Nang muli kong lingunin si Theline ay sinenyasan niya ako na umalis muna kami at magpunta sa may likod upang makapag-usap ng maayos. 



Siyempre sumang-ayon ako. Girl bestfriend ko ang nagsabi eh. Aba't susunod ako! Mamaya, ako pa mabanatan nito. Aba'y mahirap na at baka madisgrasya pa ang pagiging gandang lalaki ko. Heh. 



"Anong gusto mong pag-usapan, Lin-lin?" tanong ko sa kanya. Mula pagkabata ay magkasama na kami ni Thelina Ray Valdez o Lin-lin na palayaw ko sa kanya. Parehas kami ng pinasukang eskwelahan at parehas kami ng mga interes sa buhay. 



Kaya nga hindi na ako magtataka kung parehas pa rin kami ng mapapasukang trabaho eh. That would be great, though! 



Pumaharap naman siya sa akin kasabay ng pagsilay niya sa akin ng ngiti niyang hindi niya basta-basta pinapakita kumpara sa katarayan niya. "Wala naman talaga, sa totoo lang. Ang lalim lang kasi ng iniisip mo kanina pa." ani niya. 



"Ako? Hahaha! Hindi naman sa ganoon. Masaya lang ako na nanalo tayo sa araw na ito. Sana sa laban bukas, tayo rin ang manalo at walang masasaktan sa atin. Ayoko nang makita ulit ang kahit na sino sa atin na nahihirapan. Like Edward. He needs to stay on his room for almost two weeks for a full recovery." pagpapaliwanag ko. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon