Paano Kung...

294 2 0
                                    

Paano kung wala na pala talaga?
Paano kung ako nalang pala ang umaasa?
Paano kung hindi na pala siya masaya?
Paano kung nakahanap na pala siya ng iba?

Paano kung hindi na pala ako ang itinitibok ng kanyang puso?
Paano kung sa iba na pala umiikot ang kanyang mundo?
Paano kung ayaw na pala niyang manatili sa piling ko?
Paano kung ako nalang pala ang may gusto na umabot kami hanggang dulo?

Paano kung nanatili nalang pala siya dahil nasanay na siya?
Paano kung hindi na pag-ibig ang nararamdaman niya para sa akin kundi awa?
Paano kung hinihintay nalang pala niya akong sumuko sa giyera?
Paano kung pinaniniwala nalang pala niya ako na mayroon pang pag-asa?

Paano kung pinapaikot nalang pala niya ako?
Paano kung matagal na pala siyang nakahanap ng bago?
Paano kung itulak niya ako palayo?
Paano kung iwanan niya akong mag-isa sa mundo na magkasama naming binuo?

Paano kung matagal na pala siyang nagsawa?
Paano kung sa puso niya ay matagal na pala akong nabura?
Paano kung binasag na pala niya noon pa ang mga pangako namin sa isa't-isa?
Paano kung matagal na pala niya akong pinagmumukhang tanga?

Paano kung siya mismo ang bumasag sa aking puso?
Paano kung siya mismo ang tumulak sa akin upang tuluyang sumuko?
Paano kung isampal sa akin ng realidad ang katagang, "Hindi siya para sayo".
Paano kung kahit sampalin ako ng realidad ay siya pa din mahal ko?

Paano kung sabihin niya sa akin na ayaw na niya?
Paano kung sabihin niya sa akin na mas masaya siya sa piling ng iba?
Paano kung sabihin niya sa akin na gusto na niya maging malaya?
Paano kung sabihin niya sa akin ang katagang, "Tama na".

Paano kung siya na ang magdesisyon na sumuko at lumayo?
Paano kung mas piliin niya yung bago?
Paano kung tapusin niya ang istorya ng "Ikaw at Ako"?
Paano kung tapusin niya ang istorya namin para lang magkaroon ng "Kayo"?

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon