Chapter 28: Pride

16.1K 488 34
                                    

LIAM'S POV

"King saan ka pupunta?"tanong ni Carl sakin

Nandito kami ngayon sa pinaka-hideout naming B7.

Hindi ko sinagot si Carl at dire-diretso akong lumabas

"Hello?"sagot ko sa tawag dahil kanina pa nagv-vibrate yung phone ko kaya ako lumbas

"Kuya,Pinapauwi ka ni Mommy,may importante daw na sasabihin sayo sila Lolo."

"Bakit daw?"

"Bilisan mo kuya ha?"

Sasabihin ko sanang hindi aki uuwi ng bigla akong babaan ni Leanne

Napabuntong hininga na lang ako at walang choice na naglakad papunta sa motorbike ko

----

"Liam.."

Umupo ako ng sofa pagkarating ko sa bahay

Nakatayo si Mommy habang magkatabing nakaupo si Daddy at Lolo

"Leanne,umakyat ka muna sa kwarto mo anak.."malambing na sabi ni Mommy kay Leanne

Tumango naman si Leanne at tumakbo papunta sa kwarto niya sa taas

"What is it?"tanong ko sa kanila

"Paulit-ulit ko ng sinasabi Liam..You have to say sorry to Ms. Anderson para mabilis nating makuha ang loob ng daddy niya."sabi ni Lolo

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Lolo

"Why would I?Kasalanan niya yung nangyari sa kanya."

"It's still your fault Liam Jin..Kung di ka na sana gumawa pa ng kalokohan wala na sana kaming hinihinging pabor sayo na hindi mo naman kayang gawin."medyo pagalit na sabi sakin ni Daddy

Naiiling na natawa naman ako

"Bakit ba gustong gusto niyong makuha ang loob ng tatay niya?Isn't our reputation enough para mapagsama nyo yung kumpanya nyo?Bakit kailangang involve pa ko dito?"naiinis na sabi ko

"Because Zey Anderson is the Heiress of their company..Kaya hangga't may alitan sa pagitan nyong dalawa ni Ms. Anderson,hindi papayag si Mr. Anderson sa hinihiling namin ng Daddy mo."sabi ni Lolo

Napakamot naman ako sa batok ko

"Gaano ba kahirap sayo ang paghingi ng tawad anak?"

Napatingin ako kay mommy

"It's my pride Mom."

Tumayo na ko at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa

"Sa kanila Mond ako matutulog ngayon."sabi ko at naglakad na paalis

Di ko na pinansin ang pagtawag nila sa pangalan ko

---

"Tss.Bakit ba kasi pinagpipilitan nila laging humingi ako ng tawad?Malaki ba yung kasalanang ginawa ko?"nagtatakang sabi ko kay Mond

"Oo."

Agad na sinamaan ko ng tingin si Mond

"Ewan ko sayo,magsama sama kayo."sabi ko

"Bakit kasi hindi ka na lang humingi ng tawad?Yung iba ngang walang kasalanan nahingi ng tawad ikaw pa kayang malaki ang ginawang kasalanan?"

"Ikaw ba talaga nagbibigay ng payo o nang-aasar?Sasapakin talaga kita Mond.."

Mahinang natawa si Mond

"Saying sorry isn't that hard..Pakinggang mo lang yung puso mo kapag oras na para mag-sorry ka"

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon