Chapter 4 Part 2

4.6K 106 3
                                    

PAGKABABA ni Ashlee sa sariling sasakyan ay napatingin siya sa isang white Ford na pumarada sa likod ng sasakyan niya. Alas-sais na ng gabi at wala naman siyang inaasahang bisita.
Isang babae ang bumaba sa sasakyan at lumapit sa kanya. Ang tangkad at katawan nito ay katulad ng sa mga modelo, pati na rin ang paraan nito ng paglakad. She had a very pretty face.
“Hi,” bati nito. “You must be Ashlee. I’m Arrhea. Arrhea Aguirre. I’m looking for your fiancé, Raffy.”
Nagtataka siyang tumingin dito.
Matamis itong ngumiti. “Huwag kang mag-isip ng kung ano. I’m here for business. Tell him, I’m Rafael’s best friend.”
Pinakatitigan niya ito. “I think I remember you.”
“Yeah, I think so. I can remember you, too. Ikaw iyong palaging kalaro ni Raffy noong mga bata pa tayo. Minsan ay pumupunta ako sa mansiyon nila para makipag-kuwentuhan kay Rafael. We never had a chance to play kasi may kanya-kanya tayong mundo,” Arrhea laughed.
Napangiti siya. So, ito pala ang laging kabuntot ni Rafael noon. “Pumasok muna tayo sa loob, titingnan ko kung nakauwi na si Raffy.”
Pagkapasok niya sa loob ay pinag-hintay niya muna ito sa may sala. Dumiretso siya sa guest room para tingnan kung nandoon na si ‘Raffy’. Binuksan niya ang pinto at nakitang walang tao doon. Hindi pa siguro ito bumabalik.
Palabas na sana siya nang bumukas ang pinto ng banyo doon at lumabas si ‘Raffy’. Nagulat pa siya nang makita ito, nakatapis lang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nito at tumutulo pa ang basang buhok.
“Ashlee, anong ginagawa mo dito?” halatang nagulat din ito nang makita siya.
Her eyes stared at his muscular body for a while, hindi niya na nagawang sagutin ang tanong nito.
“Hey,” pukaw nito sa isipan niyang kung saan na nakarating.
Nagyuko siya ng ulo, pinamumulahan na siya ng mukha. “I-I’m sorry,” ibinalik niya ang tingin dito pero pilit iniiwas ang mapatingin ulit sa katawan nito. Nakahinga siya ng maluwag nang tumalikod ito at nagsimulang maghanap ng damit sa closet. “M-May naghahanap sa’yo sa baba, tungkol daw sa business ang pag-uusapan ninyo,” pinagsawa niya ang tingin sa malapad na likod nito. Parang napakasarap yakapin at halikan ng katawan nito. Ini-iling niya ang ulo. Ano ba itong iniisip niya?
Bakit? Masama bang pagnasaan ang katawan ng sarili mong fiancé? kontra naman ng isang bahagi ng isip niya.
“May problema ba? May sakit ka ba?” narinig niyang tanong nito. Pagtingin niya ulit dito ay nakasuot na ito ng isang white round neck shirt at nag-aalalang nakatingin sa kanya.
Umiling siya. “Hihintayin ka na lang namin sa baba,” pagkasabi noon ay lumabas na siya ng guest room.
Hindi pa rin tumitigil ang malakas na kabog ng puso niya hanggang sa makarating siya sa sala.
“May problema ba, Ashlee?” napatingin siya kay Arrhea nang marinig ang tanong nito.
Nginitian niya ito. “Wala naman, bababa na raw si Raffy. Magkasosyo ba kayong dalawa sa business?”
“No, I’m one of his agency’s talents,” sagot nito. “I’m an actress and model in South Korea.”
Napatango siya.
“I can’t believe na kayo rin ang magkaka-tuluyang dalawa. I’m sorry hindi ako naka-attend ng engagement niyo. Ngayong linggo ko lang nalaman na malapit na pala ang kasal boss namin,” napailing ito. “I’ve been very busy looking for someone.”
Nagdududa siyang tumingin dito. “Is it Rafael? Balita ko kasi nakabalik na siya galing sa America.”
Na-sorpresa siya nang makita ang pamumula ng mukha nito. “Hindi pa nga siya nagpapakita sa akin. Nakakapagtampo na ang lalaking iyon.”
“Do you like him?” It was not a question anymore. Halatang-halata iyon sa mga mata nito.
Napayuko ito. “But he only sees me as his best friend.”
Magsasalita pa sana siya nang marinig niya ang tinig ni ‘Raffy’ sa likod. “Sweetheart, sino ba ang gustong—” gulat itong napatingin sa kausap niya. “A-Arrhea?”
Nag-angat ng ulo si Arrhea at nakita niya rin ang pagbahid ng gulat sa mukha nito. Napatayo ito mula sa kinauupuan. “W-What are you—” hindi na nito natapos ang sasabihin nang biglang higitin ni ‘Raffy’ ang kamay nito.
“May pag-uusapan lang kami sa labas ni Arrhea, Ashlee. Sandali lang,” iyon lang at dumiretso na ito sa labas, hila pa rin si Arrhea.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagkagulat ng dalawa pagkakita sa isa’t-isa. May itinatago ba ang mga ito? Could it be? Napatingin siya sa nilabasan ng mga ito. No, imposibleng magkaroon sila ng relasyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon