Part 10: My Slave

106 8 0
                                    

My Slave

__________

" Ayan.. Ayan pa oh. Linisin mong mabuti yan!  Tapos yan,  dapat wala akong makitang alikabok sa side table ko ah? Tapos pakilagay yung mga damit ko sa kabinet,  tas yung sandals ko ilagay mo sa Drawer Shoes.  At yung libro ko pakilagay nalang din sa side table kapag tapos mo nang linisin. " sabi ko sabay turo nang mga sinasabi ko. 



Nandito ngayon si Jessy sa bahay ko.  Sinabi ko na sa kanya ang rule niya pagdating sa akin.  Pinaglinis ko siya nang buong kwarto ko,  kwarto lang dahil nakakaawa naman kung buong bahay ang lilinisin niya.  Tutal malaki naman ang kwarto ko kaya,  bawi-bawi rin sa nagawa niyang kasalanan sa akin. 




" Queen pwede magpahinga muna ako? Pagod na pagod na kasi ako eh.  " malaking pawis ang tumulo sa mukha niya. 


Wala naman kaming pasok ngayon kaya,  ayan pinaglinis ko siya.  Habang ako  nakaupo sa kama at pinapanood siyang naglilinis.  Halatang hindi sanay sa gawaing bahay,  dahil 5 minutes pa lang surrender na agad siya. 

" Sige.  30 seconds lang.  "

" What?!  30 seconds?!  Queen naman pwede 2 minutes? " reklamo niya. 

" Diba sabi 30 minutes?  Narinig mo yun diba? "

" Wala bang palugit dyan? " aniya. 


Aba humihingi pa nang palugit!  Ano to?  Utang!

" Wala.  " simply kung sagot. 

" Mahal na Reyna,  pumayag akong maging slave mo,  hindi para patayin sa pagtatrabaho.  " sumandal siya. 

" Nagrereklamo ka? " tinaasan ko siya nang kilay.

" Diba Obvious? " pambabara niya. 

" 1 minute ok na? "

Napilitan nalang siyang tumango.  Pagkalipas nang isang minuto ay nag-simula na naman siyang maglinis. 



" Bilisan mo d'yan. Pupunta tayo nang mall mamaya.  " sabi ko. 




Napalingon naman siya sa akin at napatayo.  Bigla siyang lumapit sa akin at umupo sa kama na may ngiti sa labing nakatingin sa akin. 



" Mag sho-shopping tayo? No problem,  bibilisan ko ang paglilinis dito.  " nakangiti niyang sabi at bumalik na sa paglilinis. 



This girl is so weird!  Hindi ko maintindihan ang takbo nang utak niya. 



" Hindi ka kasali sa pag-sho-shopping ko. " walang emosyon kung sabi.


Napakunot naman ang noo niya.  " Diba sabi mo pupunta tayong mall? H-hindi ba ako kasama? " nag-alangan niyang tanong. 



" Sasama ka.  Diba slave kita?  Kung nasan ako nandun karin.  At hindi ka kasali sa pag sho-shopping ko dahil ikaw ang taga-bitbit nang mga pinamili ko.  " i smiled. 


" Ok.  " walang gana niyang sagot.  " Pero pwede naman akong mag-suot nang Dress diba?  Para naman hindi ako magmukhang manang sa paningin nang mga tao.  " dagdag niya. 



" You can't wear Dress! May alalay ba na magmukhang kapatid ko dahil sosyalin din mag-suot?  Hindi ka mag-didress,  kung matigas talaga yang ulo mo,  pwede mong hiramin yung bestida nang baboy naming katulong!" i said.



" Di,  wag na lang. Okay na ako sa suot kung  pants at black t-shirt.  " walang gana niyang sagot. 



" Good.  "






THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now