Chapter 50

20K 614 348
                                    



Maaga ako nagising pero mas maaga si Japan dahil wala na ito pagkagising ko. Mukhang nagjogging pa 'yon.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko na tulog na tulog. Pinilit kong wag matawa dahil si Torey at Jayden ay magkayakap. Tinignan ko naman ang babaeng sinolo ang higaan ko. Kaya pala sinolo nya dahil ang likot nyang matulog.

Tumayo ako at nilapitan sya. Napailing ako. Yung unan nya nasa sahig na habang yakap yakap naman nya ang unan ko. Yung kumot nya parang ahas na nakapulupot sa kanya tapos nakabaliktad sya ng higa, nasa paanan ng higaan ang ulo nya.

"Pambihira ka." sabi ko.

Gumalaw sya─ay hindi, sumipa sya at tinamaan nya ako, ang masaklap sa down there ko pa talaga!

Napaupo ako sa sahig habang hawak ang tinamaan nya. Namimilipit ako sa sakit na gusto kong sumigaw kaso magigising sila.

"Bwisit ka." madiinin pero mahina na sabi ko habang sinusumpa ko si Steph.

Nang mahimasmasan ako ay tsaka lang ako tumayo. Masama pa din ang tingin ko sa kanya na ang himbing himbing ng tulog nya na para ba wala syang sinipa na ari.

Tumungo na ako sa banyo para makaligo na. Ala siyete na din ng umaga siguradong naghahanda na ang mga seniors ngayon sa magaganap na seremonya mamaya.

Saktong dumating si Japan pagkatapos kong maligo. Pawis na pawis sya. Nakatingin sya sa mga natutulog dahil hindi sya makadaan. Nasa pintuan pa din sya.

"Mabuti na lang ay last na 'to." sabi nya. Napatingin sya sakin. "Goodmorning." napangiti ako at binati din sya.

"Hindi ka ba makadaan?" tanong ko sa kanya at naupo sa higaan nya.

"Sarap nilang pagsisipain." sabi nya na ikatawa ko. Humakbang sya sa pagitan ni Torey at Louise pero biglang humarap si Torey at niyakap ang paa ni Japan.

Pinigilan kong wag tumawa. Si Japan naman ay pinagsisipa na ang kamay ni Torey.

"Aray!" sigaw ni Torey. "Bakit ba?!"

"Niyayakap mo kasi paa ko!" sigaw din ni Japan kaya yung iba ay nagigising na.

Nailing ako at naisipang lumabas na muna.

Bumaba ako at nakita ko ang mga Blue Team na preteng nagkakape habang nanonood ng tv.

"Goodmorning Blue Team." bati ko sa kanilang lahat. Binati din nila ako at inalok ng kape pero tumanggi ako.

Tumabi ako kay Russel.

"Balita ko magkakasama kayong lahat na Red Team sa kwarto ninyo?" tanong nya.

"Ah oo, nagulat na nga lang ako nung sugurin nila kami." sabi ko. "Sinabi ni Ivy sayo 'no?" sa pagkakaalam silang dalawa ang magkasama sa kwarto.

"Oo, ginera sya ni Louise at Kiara kahapon." natatawang sabi nya.

"Nakakalungkot naman! last day na natin." malungkot na sabi ni Yuri. "Sino pala sa inyo ang mananatili dito?"

"Ako." sabi ni Gen habang nakangiti. "Pangarap ko talaga maging miyembro ng Dragon Empire."

"Sad to say ay sa Korea na kami titira ng pamilya ko dahil nadestino si Papa doon." sabi ni Xenon.

"Weh?!" nagulat kaming lahat sa sinabi nya.

"Seryoso, Xenon?" nalungkot ako dahil mas malala pala sya kaysa sakin.

"Joke lang, syempre." lahat kami ay pinagbabato sya ng unan. "Hoy!"

"Kahit kailan talaga." sabi ni Yuri. "Ako kasi dito din kahit bangko lang ako ayos lang." natatawang sabi nya.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon