#7

32 3 1
                                    


#7

"U want?"alok ng isa kong classmate sa drinks niya. Nauuhaw ako ngayon pero hindi talaga ako sanay na makipagshare sa inumin. Kung minsan tinatawag na ko ni Michelle na germaphobic.

"Ayaw niya kase nainuman mo na"sabi ni Michelle at ininom yung drinks na inaalok nung isa naming classmate.

"Oh"sabi pa nung classmate namin. Hindi kase ako nakikishare ng inumin ewan ko ba! Hindi lang talaga ako sanay. Hindi naman ako maarte.

"Eh paano kung halikan ka ng isang tao?"biglang singit ng isa pa naming classmate.

"Wala namang gagawa non sakin noh"sabi ko at binaba na yung kutsara ko. Nasa canteen kami ngayon lunch.

"Meron kaya"sabi ni Michelle at tumawa na parang ewan.

"Mukha bang may boyfriend ako?"

"Oo, papalapit na nga siya oh. Tara na nga baka maistorbo pa natin sila"mabilis silang umalis sa harapan ko. Kasabay non umupo si Bobby at yung kasama niya sa harap ko.

Inangat ko kilay ko. "Sasabayan ka lang namin kumain, wala ng bakante"depensa ni bobby. Nilingon ko yung paligid pero ang dami pa naman.

Tiningnan ko yung kasama niya, "Hanbin, Kim Hanbin. B.I. na lang kung gusto mo"sabi nung lalaki at inalok niya yung kamay niya. Inabot ko din yung kamay ko at nakipag-kamay. Bigla bigla siyang ngumiti kaya nagulat ako.

Mukha kaseng masungit at suplado pero nung nagsalita na iba! Hindi talaga maganda manghusga mula sa panlabas noh! Pero kase mukha talaga siyang masungit eh.

"Tapos na ko kumain, ilang minutes na lang next class na ko"inayos ko yung kainan ko pero biglang kinuha ni Bobby.

"Ako na, di ka naman kumakain ng lunch" pinandiinan niya pa yung lunch. binitawan ko na at hinayaan ko na lang siya. Inayos ko na yung bag ko at sinuot sa balikat ko.

"Una na ko"sabi ko sa nakaupo. Kay Hanbin. Mas gusto ko siyang tawaging Hanbin kesa B.I para naman kaseng Bad Influence eh.

"Sige,"simpleng sagot niya at tumayo na ko. "Alis na ko"sabi ko kay Bobby nang makarating. Tumango lang siya tapos dumiretso sa table kung saan ako kumain kanina.

Ilang minuto na lang pala next class na! Kailangan ko na magmadali.

Tinakbo ko yung room pero nalaman ko wala palang prof pa! Sumakit tuloy tyan ko.

Nang makauwi na ko nilapag ko yung bag ko sa kama nang biglang tumunog yung phone ko.



Kim Hanbin sent you a friend request.

Kim Hanbin: Hi Saddie

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Type | kim jiwonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon