Kabanata 22

12.7K 393 9
                                    

Kabanata 22

Friend

Ilang araw ding hindi kami ulit nagkita ni Helion. Sa text naman ay malimit na rin siyang nakakapagtext dahil sa nalalapit na end term exams kaya naman hindi ko na rin siya masyadong nakakausap.

Tuwing hapon naman ay nauuna akong umuwi dahil alam kong may band practice pa sila. Nagiiwan na lang ako ng mensahe na mauuna akong uuwi. Hindi naman ako naghihintay ng reply niya dahil alam kong sobrang busy na niya pero nababasa ko pa rin naman kapag nagising ako sa umaga.

One week of hell has ended. Kahapon lang ako nakabawi ng tulog dahil palagi na akong puyat nitong mga nakaraang araw. Panay ang pasahan ng projects sa bawat subject kaya naman buong araw akong natulog kahapon. Buti na lang at hindi naman nagparamdam sa akin si Helion, hindi ko rin naman iyon marereplyan dahil sobrang pagod ako.

" Maganda ba ang tulog mo, Raya?" tanong sa akin ni Tita nang pumasok ako sa kusina. Kaunting suklay matapos magligpit ng higaan ay bumaba na agad ako. Naabutan ko pa si lola na nanunuod ng tv sa sala.

" Hmm, opo. Pasensya na po at hindi ako masyadong nakatulong kahapon." paumanhin ko.

Ngumiti si Tita at umiling. " Ayos lang iyon, Raya. Siya nga pala, sa sobrang himbing ng tulog mo ay hindi na kita napukaw. Dumalaw nga pala dito si Helion kagabi. May isa pang kaibigang kasama."

" P-po? Dumalaw siya kahapon?" napanguso ako at naalalang hindi ko pa nache-check ang aking cellphone.

" May dalang pagkain kahapon. Sinabi ko ngang pupukawin kita eh sabi namang 'wag na lang dahil alam niyang puyat ka." nakangiting sabi ni Tita at binuksan ang ref. Sumilip ako nang itinuro niya ang nakabox na pagkain sa loob.

Isinara niyang muli ang ref at ngumisi sa akin. " Oh siya at kumain ka na. Aasikasuhin ko muna si inay."

Pumasok ako sa university kahit na may program naman (na hindi naman kailangang puntahan) pero nagpasya pa rin akong pumunta dahil gusto kong makita si Helion. Isang text at limang tawag ang iniwan niya sa akin kanina kaya naman gusto kong makabawi sa hindi pagsagot.

Pumunta ako sa gym kung saan gaganapin ang symposium. Hindi naman siksikan dahil yung iba ay hindi na ata bumalik pagkatapos ng exams. Sabagay bakasyon naman kaya okay lang na hindi na bumalik.

Hinanap ng mata ko si Jeni pero hindi ko siya makita. Nagtext naman ako kanina na magkita kaming dalawa dahil baka wala akong kasama sa gym.

Umupo ako sa bleachers at nakinig na lamang sa sinasabi sa harap. Ilang minuto lang ay may ginagawa na agad na demo. Tumayo ako nang makailang tawag na sa akin si Jeni at nagtext na nasa labas siya ng gym. Lumabas ako at nakita siyang nakaupo sa bench na nasa labas.

" Jeni!" tawag ko sa kaniya.

Nilingon ako ni Jeni at napatayo. " Kanina pa ako tawag nang tawag. Ikaw lang mag-isa?"

" Oo eh. Papasok ka pa ba sa loob? Magpapasama sana ako."

" Saan?"

" Pupuntahan ko si Helion."

" Ha? Eh nakita ko si Helion kanina dito, kasama yata ang ilang kaklase pero nakita ko siyang kausap yung isang babae. Sobrang dikit pa nga." ani Jeni at naglumikot ang mata.

Kahit hindi ko nagustuhan ang nabalitaan ay ngumiti pa rin ako. Alam ko naman kung sino iyong babae. Siya lang naman ang kaclose ni Helion sa mga kaklase niya maliban lang sa ibang lalaki.

" Eh kung tawagan mo? Baka naman hindi alam na nasa university ka!" usisa pa ni Jeni sa akin. Ngumuso ako at napatingin sa cellphone.

" 'Wag na baka may pupuntahan yung klase nila baka istorbo pa tayo." sabi ko.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon