Chapter 12

259K 6.2K 1.1K
                                    

Pinaikot na ni Mia ang bote matapos aminin ang totoo. Sa pag-ikot ng bote, ito naman ay huminto sa harap ni Nikka.

"Oh Nikka babes, paano ba iyan? Truth or Dare." Tanong ni Mia.

"Nikka babes? Ano ka, t-boom? Haha!" Pang-aalaska ni Adrian dito.

"Inggit ka? Ade tawagin mo ring babe si Jerome! Haha!" Pagsupla ni Mia rito.

"Ade lovers ang peg ng dalawa! Haha!" Wika naman ni Karlo at nagtawanan ang lahat.

"Oh tama na iyan, sige na, Truth na lang ang pipilin ko." Malumanay na wika ni Nikka.

"Yun eh, mukhang mapapasabak ka sa itatanong ko sayo hehe." Wika nito.

"Haha, mukha nga. Sa tingin mo pa lang kinakabahan na ako." Wika niya.

"Pero bago ang lahat, letter please?" Wika nito.

"Letter L, haha!" Dugtong nito.

"At dahil diyan, ang word ko sayo na kailangan mong sagutin ay, LOVE AT FIRST SIGHT. Sino sa mga nandirito, ang tinamaan ka noong unang kita mo palang?" Pagpapaliwanag nito.

"Hala, kailan ko ba talagang sagutin iyan?" Tanong ni Nikka na may halong pagkalito.

"Ay hindi, huwag mo ng sagutin para mas masaya." Pambabara ni Grace rito.

"Uy, bitter yung isa diyan. Haha!" Pambubuska ni Jake.

"Tse!" Sabay irap ni Grace rito.

"Nahihiya tuloy akong aminin sa inyo pero sige, sasabihin ko na nga." Wika nito habang nakayuko.

"Sabi na nga ba eh, si ano iyan! Haha!" Wika ni Mia.

"Si ano? Sino siya?" Tanong naman ni Xiara.

"Sa totoo niyan, hindi naman ako naniniwala sa Love at First Sight. Pero noong nakita ko siyang naggigitara sa ilalim ng puno, mayroon akong kakaibang naramdaman." Wika niya.

"Aba, sino yung lalaking iyon? Si Dion?" Tanong naman ni Hannah.

"Patapusin na muna natin siya." Wika ni Agatha at nakinig na nga ang lahat sa sinasabi ni Nikka.

"Ang galing niya talagang maggitara as in. Ako kasi naggigitara rin ako hindi lang halata dahil sa pagkageek ko. I admire him so much lalo na sa pagtugtog at dahil doon, unti-unting sumibol yung nararamdaman ko para sa kaniya." Kwento niya.

"Natutuwa nga ako kasi kinakausap niya ako kaso nga lang, puro pang-aasar lang ang ginagawa niya sa akin. Ang lakas ng sense of humor ng taong ito. Bubuka pa lang ang bibig niya, napapatawa na niya ako." Dugtong niya.

"Parang confession na ang kinalabasan hehe!" Wika ni Aaron.

"Siguro, kilala niyo na yung lalaking tinutukoy ko. Kaya ikaw, huwag sanang lumaki ang ulo mo lalo pa't nalaman mong may pagtingin ako sayo Mr. Jerome Manalo." Wika ni Nikka habang nakayuko pa rin.

Napatigagal si Jerome sa kaniyang narinig. Hindi siya makapaniwala na may feelings din pala sa kanya ang taonf kaniyang sinisinta.

"Ayiee! Ang gwapo mo Jerome! Tatlong babae ang nagkakandarapa sayo." Wika ni Roxette na halos magtatalon na sa kilig.

Hindi na na-shock pa si Mia dahil inamin na ni Jerome sa kaniya na may mahal na itong iba at iyon ay si Nikka. Bukal sa puso naman iyong tinanggap ni Mia.

Si Grace naman, ayun bitter kasi matagal na niyang napapansin na may pagtingin dito ang binata.

Si Jerome naman, tuwang-tuwa sa kaniyang narinig. Gustuhin niya mang sabihin sa dalaga na the feeling is mutual kaso nga lang, hindi pa siya handa para aminin ito sa dalaga.

Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan matapos ang marubdub na pag-amin ni Nikka sa kaniyang nararamdaman.

Sa pag-ikot ng bote, ito naman ay huminto sa tapat ng kanilang presidente.

"Oh Agatha, it's your turn na. So, Truth or Dare?" Tanong ni Nikka na ngayon ay bumalik na sa dati nitong sigla.

"Truth na lang, pass na muna ako sa dare." Wika nito sabay hawi ng kaniyang kulot na buhok.

"Ok, pero letter muna." Dagdag nito.

"Letter X, mahirap iyan haha! Good luck hehe!" Wika ni Agatha.

"Easy lang iyan haha! Ang word ko sayo ay Xerox. Kung ikaw ay bibigyan ng chance para kopyahin ang mukha ng isa sa mga nandito, kaninong mukha ang kokopyahin mo? At bakit?" Tanong ni Nikka.

Nabalot ng katahimikan ang paligid at tila hinihintay ng lahat ang magiging sagot nito.

"Siguro, ang mukha ni Roxette ang pipilin ko." Wika nito habang nakatingin kay Rox.

"Why me?" Tanong sa isip-isip ni Roxette.

"I chose her kasi, I want to say sorry to the person that I hurt most. Hindi ko naman siya pinaasa eh, minahal ko rin naman siya kaso mukhang mas mahal ko yung boyfriend ko. Sorry sa lahat, sana ngayon, lumigaya ka na at alam kong si Roxette ang babaeng iyon kaya huwag kang titigil hangga't hindi mo siya napapasagot ah? Ethan, do your best para mahuli mo ang puso niya." Wika nito habang nakangiti kay Ethan.

Dali-daling tumayo si Agatha at nilapitan si Ethan at niyakap ito.

"Pinapalaya na kita. At alam kong siya ang makakapagpasaya sayo kaya gawin mo ang lahat para mapasagot mo siya." Sabi ni Agatha habang nakangiti at hinalikan ito sa pisngi.

"Uy, nagseselos yung isa roon oh! Haha!" Wika ni Kian habang nakaturo kay Roxette.

"Haha, hindi noh!" Pagtanggi ni Roxette.

"Masyado na akong madrama guys, hehe! Pagpasensyahan niyo na ako. Next spin na." Wika ni Agatha habang pinupunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo.

Pinaikot na niya ang botelya at ngayon, natapat naman ito kay Mark.

"Mark, truth or dare?" Tanong ni Agatha na ngayon ay nakangiti na.

"Truth." Matipid nitong sagot.

"Okay, ang tipid mong magsalita ngayon ah? Hehe! By the way, letter what?" Dugtong pa niya.

"Hehe, trip ko lang. Letter V." Wika nito sabay ngiti.

"Iyan, mas gwapo ka kapag nakangiti ka kaya ipagpatuloy mo lang iyan." Wika ni Agatha.

"Ganun ba? Hehe, thanks!" Sambit ni Mark.

"Ang word ko sayo ay VIRGINITY." Wika nito habang suot ang nakakaloko niyang ngiti.

"Grabe ah, virginity pa talaga ang topic." Wika ni Arianne.

"Oo nga, maloloka ako kung iyan ang itatanong sa akin haha!" Pagbibiro ni Joan.

"Ang tanong, ilang babae na ang natanggalan mo ng virginity?" Wika ni Agatha na ngayon ay seryoso na ang itsura.

"Ahm, sa totoo lang, noong high school ako dalawa lang tapos ngayong College, tatlo kasama na yung ex ko." Seryoso nitong sagot.

"Ah, mahilig ka rin pala hehe. Back up question, dito ba sa mga kasama natin ay may nagalaw ka na?" Tanong ni Agatha na para bang iniinterview ito.

"Wala pa naman." Matipid nitong sagot.

"Wala pa naman? So ibig sabihin ay may balak ka? Oh no, huwag ako." Wika ni Abi na naghuhurumintado.

"Ano ba iyan, ang seryoso ng usapan, kinikilabutan ako." Wika ni Roxette dahil ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang mga ganun.

"Oo nga, next spin na, baka mamaya, may galawan pang mangyari dito haha!" Wika ni Jerome at nagpatuloy na nga sila sa kanilang paglalaro.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon