Kabanata Sampu - Frederico

1.2K 22 0
                                    

Kabanata Sampu - Frederico

NAHIGIT ni Emanuela ang paghinga. It was too late.  Hindi sila makakaabot. Abot-kamay na ng Barbak ang bata. Suddenly, Daniel snatched the kid.

Kailangan nilang kumilos.

“Tulungan mo sila, Alvin. Iyan ang utos ko.”

Tumango si Az kay Alvin. Lumipad ito pababa. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata nina Daniel nang makita si Alvin.

“Degras!” sambit ni Ricardo.

Ilang sandali ang lumipas, napatay ni Alvin ang nalalabi pang mga Barbak. Ngumisi ito at nagbigay ng isang saludo. Muli tiong lumipad paitaas at tumigil sa kanilang kinaroroonan. Papalabas na ang araw sa silangan at ipinagpasalamat niya iyon ng malaki. Pansamantala silang maililigtas sa mga Barbak.

Tumingala ang tatlo sa kanila.

“Emanuela!” sigaw ni Ricardo.

Humigpit ang hawak sa kanya ni Az. Napakislot siya. Nasasaktan siya sa paraan ng pagkakahawak nito subalit hindi na lamang siya umimik.

“Ibigay mo siya sa akin,” turan ni Daniel sa nagbabadyang tinig. Nagliliwanag ang mga mata nito. “Dito siya nababagay sa Lorentz Clan hindi sa mga walang kwentang lahing katulad ninyo.”

“Hindi pa kami nasisiraan ng ulo, Supremo Daniel. Ibabalik na namin si Emanuela sa kanila. Sa mundo kung saan siya nararapat.”

“Dito lamang siya at walang makakakuha sa kanya!”

Lumapit si Alvin kay Az. “Mukhang meñuza niya si Boss Emanuela,” bulong ni Alvin.

“Kaya mas dapat nating itakas ang babae mula rito,” tugon nito kay Alvin. Ngumisi ito sa direksyon nina Daniel. “At anong gagawin mo upang makuha mo siya ulit sa amin? Wala.” At lumipad pa paitaas ang dalawa na parang pupunta sila sa mga ulap at doon magtatago.

Nagpakita na ang nakangiting araw. Tumama ang liwanag niyon sa kanyang mukha.

“Emanuela!” she heard Daniel roared.

TUMIGIL sila sa pinakamataas na puno sa mismong tuktok nito. Halos malaglag ang mga mata niya sa sobrang taas ng kilalagyan nila. Mahigpit ang pagkapit niya sa isang malaking sanga sapagkat kung hindi, pupulutin siya sa ibaba.

Mula sa kinaroroonan nila, kitang-kita ang kabuuan ng teritoryo ni Daniel. Maging ang kastilyo ay naroroon. Ngunit kahit na gaano pa iyon kaganda, hindi niya magawang i-appreciate ang kagandahan ng tanawin dahil sa posisyon niyang ito.

“Mamamatay na ako,” nanghihina niyang wika sa dalawa. Nakatapak ang dalawang paa ng mga ito sa sanga at sinusupurtahan ang bigat ng mga ito ng mga pakpak.

“Boss Emanuela, enjoy the view. Minsan ka lang makakapunta rito. Minsan mo lang rin ito mararanasan.”

“Boring kasi ang buhay niyan.”

“Hindi boring ang buhay ko!” mariin niyang tanggi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi nakakatulong ang paghampas ng hangin sa mga sanga. “Sa katunayan sinaliksik ko ang mga buhay ng mga taong bumibisita kay Daddy.” At napag-alaman niya na marami sa mga ito ay nagnanakaw sa kaban ng bayan. “Masaya nga iyon.”

“Fun? Ito ang masaya,” at walang paalam na hinablot siya ni Az at nagpatihulog, una ang kanilang ulo.

Isang napakalakas na tili ang pinakawalan niya habang pababa na sila. Hindi! Hindi! Babagsak sila. Babagsak sila! Subalit bago pa man sila pulutin sa lupa pumunta na naman sa itaas si Az at inilagay siya sa dati niyang pwesto.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon