Para Sa Taong Minamahal Ko

351 2 1
                                    

Mahal, gustung-gusto na kitang kausapin pero natatakot ako.
Natatakot ako sa mga magiging sagot mo.
Natatakot ako na baka yung pakikitungo mo sakin ay mas malamig pa sa yelo.
Natatakot ako na baka kapag kinausap kita ulit, dededmahin mo lang yung mga mensahe ko para sayo.

Pasensya na kung dito kita kinakausap, mahal ko.
Hindi ko kasi kayang magpanggap na ayos lang tayo.
Hindi ko kayang magpanggap na walang nangyaring gulo.
Kaya naisipan kong kausapin ka nalang sa pamamagitan ng tulang ito.

Magandang umaga, kamusta ka na?
Tanghali na, kumain ka na ba?
Ano ang iyong ginagawa?
Huwag ka masyadong magpapagod, kailangan mo rin ng pahinga.

Miss na miss na kita.
Kailan kaya kita ulit makikita?
Sana isang hakbang lang ang distansya papunta sa kung nasaan ka.
Nang sa gayon mabawasan na ang nararamdaman kong pangungulila.

Patawad, mahal ko.
Patawad sa mga nagawa ko sayo.
Patawad kung nasaktan ko ang iyong puso.
Patawad kung napapagod ka na nang husto.

Patawad kung sinira ko ang tiwala mo.
Patawad kung pati yung pasensya mo inubos ko.
Patawad kung hindi ko kaagad nasabi sayo.
Patawad kung hindi ako agad nagsabi ng totoo.

Hindi ko maaaring sabihin na hindi ko iyon sinasadya.
Balak ko naman na talagang itigil ang aking ginagawa.
Naisip kong umamin muna bago ko iyon isagawa.
At tulad ng inaasahan ko, nag-away tayong dalawa.

Mahal, pasensya na.
Pasensya na kung dito kita kinakausap sa aking tula.
Isang bagay lamang ang nais kong tandaan mo kung sakaling ito'y iyong mabasa.
Tandaan mo sanang mahal na mahal kita at hindi kita susukuan nang basta-basta.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon