Chapter 51

377K 7.3K 5K
                                    

Chapter 51

Cyriel's Point of View

"..ganito yan ha? Ibubunggo natin yung sasakyan mo sa puno tapos kunwari, malala yung tama mo. Kuha mo ba?" sabi ni Clarence.

Tumango na lang ako. Tss. Akala ko naman kung ano na yung plano niya.

"Pero shet naman! Ako ang papagalitan nito nila mom eh. Tsk," reklamo niya.

Ang daming reklamo pero siya naman ang pasimuno. Baliw.

Pagkatapos nun, tinawagan niya na yung binayaran niya na sasakay at magbubunggo nung sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung tao na yun. Basta pera, kahit ano pinapatulan ng mga tao eh. =___=

After 20 minutes, nakadikit na sa harap ng puno yung sasakyan ko. Good job, kuya.

"Oh? Sakay na at ng makatawag na ako ng ambulansya," sabi niya sabay tulak sa'kin papasok ng sasakyan.

"Eto na nga," sabi ko habang papunta dun sa driver's seat.

Sasakay na sana ako pero napansin kong may bumubusina sa harap namin.

"Tangina, Cyriel! Walang preno yan! Tumabi ka!!"

-----------------

Andy's Point of View

Nyeta! Bakit ako pa yung napaalis sa sarili kong bahay?? Bakit ba kasi nandun si Nof?? Ang kulit ng lahi ng babaeng yun eh!

Nasa autoshop yung sasakyan ko kaya kinuha ko muna yung sasakyan ni kuya. Wala naman siya dito eh.

Dumaan ako sa backdoor para hindi ako makita ni Nof. Nyetang babae, nakakairita na din minsan =___= Pasalamat siya bestfriend siya ni Dave.

Nagdrive ako papunta sa hindi ko alam kung saan. Basta makalayo sa bahay, okay na ako. Punta muna siguro ako sa cementeryo. Puntahan ko muna si Lynne. Tama.

Nag U-turn ako papunta sa cementeryo. Pagkatapos kong makalagpas ng highway, putangina!! Bakit wala akong brake??

Bumusina ako ng bumusina kasi may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo. Baka masagasaan sila kaya bumusina ako. Hindi ko na alam kung saan ako mababangga kung itutuloy ko pa yung pagmamaneho ko kaya ibinangga ko na lang din yung sasakyan ko sa puno.

-----------------

Cyriel's Point of View

Nakatulala lang kami ni Rence.

Kung kanina, nagpplano kami ng aksidente, ngayon, nangyari na nga.

"Tangina!" Biglang sigaw ni Clarence, "tangina, Cyriel! Si Andy 'to!"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakagalaw.

Si Andy?

Si Andy ang sakay ng sasakyan na halos mahati na sa dalawa sa lakas ng pagkakabangga??

"Tangina, Cyriel! Tulungan mo ako dito!"

Nyeta, Cyriel! Gumalaw ka! Si Andy yan, kaibigan mo!

Dali dali akong pumunta malapit sa driver's seat. Nakita ko dun si Andy, walang malay. May mga galos siya sa mukha at braso pero mukhang wala namang major injuries pero naipit yung kaliwang paa niya sa loob ng sasakyan.

"Fuck," sabi ni Clarence, "pumasok ka sa passenger's seat."

"Ha?"

"Pumasok ka na, Cyriel! Nyeta, bilis!"

Pumasok na agad ako sa sasakyan gaya ng sabi ni Clarence. Maayos naman yung kabilang parte nung sasakyan kaya nakapasok pa din ako.

Hindi ko matignan si Andy.

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon