Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her

22.6K 360 73
                                    

A/N:

Dedicated ito sayo dear <3 Salamat sa iyong long and heart touching post sa message board ko. Pasensya na kung hindi kita nareplyan doon ah. Pero dito ko n lang idadaan ang pasasalamat ko. Thank u sa suporta. Thank u for being a Listener <3 Godbless always and keep inspiring!

♥♥♥

Chapter 51

Serene's POV

Sa pagbabalik ko sa Princeton Academy, meron akong dala na bagong mga kasama. Si Deck, Andrei at Sophia... magmula ngayon ay dito na mag-aaral. Pagkatapos nang nangyari sa Maeda Mora, ang malalang estado ng paaralan ay mas lalo pang lumalala. Masyado nang magulo roon. Wala nang kaayusan. Kung tutuusin hindi na ligtas ang mga estudyante roon kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang mga maaari at karapat dapat na makuha. Gayunpaman, karamihan sa kanila ay tinanggihan ang alok ko na mag-aral sa Princeton Academy, isa na roon si Cecilia.

Ang iba sa mga inatasan kong Ellipses ang naging mga mata ko sa school. Kahit na ba kinalaban ako ng iba sa mga estudyante roon, naniniwala pa rin ako na meron pa rin sa iba na hindi ginusto ang nangyari. Kaya dahil doon, kahit anong mangyari, hindi ko pakakawalan ang school na yun. Hindi muna ako babalik doon sa ngayon dahil may kailangan pa akong gawin. Pero nangako ako sa sarili ko na kapag natapos ko ang lahat ng kailangang gawin, tatapusin ko ang inumpisahan ko roon. 

"Matagal pa ba sila?" tanong ni Niel na nakatayo sa tabi ko. Tinitingnan nya ang suot na relo para makita ang oras. Pasimple akong humakbang palayo ng may ilang sentimetro mula sa kanya.

"Pinasundo ko na sila. Sigurado maya maya narito na sila." 

Itinuon ko ang tingin sa may bandang kanan ko. Nandito kami sa may bungad ng Princeton Academy, sa may bandang gate. Sa may gilid di kalayuan sa akin ay si Jace na nakasandal sa pader, nakatupi ang mga braso at halatang malalim ang iniisip. Sa totoo lang kanina pa sya tahimik. Medjo pinagtalunan kasi namin ang tungkol sa naging desisyon ko na dito na pag-aralin sila Deck. Ayaw nya sila Deck dito pero ipinaglaban ko sila. Tulad nga nang sinabi ko, delikado na sa Maeda Mora ngayon. Kung hahayaan ko sila roon, baka kung ano pa ang mangyari sa kanila lalo na't sa lahat ng estudyante roon, sila lang ang kumampi sa akin. Gusto ko lang bumawi lalo na sa ginawa ng gang ko at gang ni Jace sa kanila. 

Ngunit bukod sa mga dahilan na iyon, napapansin ko na masyadong nagiging seloso si Jace sa mga lalaki na nasa paligid ko. Kung dati ayos lang sa kanya na palagi kong nakakakasama si Niel, ngayon medjo alangan na sya rito. Gusto nya hanggat maaari layuan ko sya. Dapat din iwasan ko na ang masyadong pakikisama sa mga ibang lalaki. Pero alam nya naman na imposibleng gawin ko ang lahat ng iyon dahil una sa lahat, kailangan ko si Niel kahit pa si Julian pagdating sa pagplaplano sa mga susunod na hakbang sa gang. Pangalawa, majority ng mga gangmates ko ay lalaki rin. Kahit na ba naiintindihan ko kung saan nag-uugat lahat ng selos na nararamdaman nya, hindi ko naman basta basta na lang sila iwasan ng tulad nang gusto nyang mangyari. Gayunpaman, gusto kong bigyan ng kunsiderasyon ang nararamdaman nya. Kaya sa tuwing nakikipag-usap na ako kay Niel o kahit pa sa kahit kaninong lalaki, humahakbang ako ng ilang sentimetro palayo. Mas malayo ng konti kaysa sa normal kong ginagawa noon.  

"Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin ang pag-uusap nyo ni The Highest?" tanong sa akin ni Niel noong mapansin na natahimik ako. A part of it, yes. But not entirely. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni The Highest akala ko magkakaroon ng madugong labanan sa pagitan namin. Subalit nagulat na lang ako na hinayaan nya akong makalabas ng walang ginagawang gulo. Gusto ko na syang tapusin noong mga oras na yun. Gusto ko syang burahin sa mundo. Gayunpaman, noong mapagtanto ko na ang buong hotel na iyon ay kuta ng gang nya, mas pinili ko na ang umalis ng tahimik. Matapang kami ni Niel pero hindi kami tanga. Madali nila kaming matatapos ng ganun kahirap lalo na't teritoryo nila iyon. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon