Chapter 49 ♬ New Found Love

49.1K 799 70
                                    

Chapter 49

(Revised & Edited. Well not really. LOL.)

 Nathan POV


Hindi ko talaga akalain na si Serene ang anak ng kasama ni lola sa Gang ng pamilya namin. Akalain nyo yun nakakasama ko pala ang respetadong GCLEF sa mundo ng mga gangsters? Langya. Kahit siguro sino ay pag-aagawan ang posisyon ko makasama lang si Serene/GCLEF ang idol at tinitingala ng lahat. 

Akala ko nadiskubre ko na ang pinakatatagong sikreto ni Serene at yun ay ang pagiging myembro ng 'The Intricate Band'. Yun pala 'isa' lang yun sa 'dami' ng mga sikreto nya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa nga sya lubos na kilala at lalo ng hindi ko akalain na sa mukha at pigura nyang iyon nakatago ang pinaka malaking sikreto sa lahat at yun ay ang pagiging myembro nya ng isang Gang. 

"O ano, kamusta na ang ating sleeping beauty?" naglakad si Rico at tumabi sa inuupuan ni Jace na kama habang busying busy sa kinakain na tinapay.

"Sleeping beauty? Sira." mahinang sagot ni Jace since hindi pa sya ganun kagaling mula sa pagkakabaril.

Nandito kaming lahat ngayon sa ospital ako, si Rico, Shane at--

"Oi pare!" napalingon kami sa dumating at nakita si Niel na pumasok

"Kamusta? Ang tagal mong nawala ah?" bati ko sabay tapik ng balikat nya. 

"Welcome back Niel." sabi naman ni Shane.

Kumaway lang sila Jace at Rico sa kanya at saka nagpalitan ng ngitian at kamustahan. 

"Kamusta? Ikaw ang kamusta Jace." Lumapit si Niel sa kama na hinihigaan ni Jace sabay bulsa ng dalawang kamay. "Mabuti at hindi ka napuruhan, sanggain mo ba naman kasi yung bala."

"Sus! Ganyan lang kasi pag-inlove" tawa ni Rico "Gagawin lahat para sa kanya." bulong at sabay tawa nya ulit

"Sino ba kasi yung babaeng yan? Mukhang malakas ang tama mo sa kanya ah" --Niel

"Aba tinatanong pa ba yan?" inakbayan ni Shane si Niel "Sino pa nga ba eh di ang nag-iisa nating muse sa band."

"No other than tentenetenten... Serene Lopez!!" padramatic effect pa ni Rico.

Ako lang ba? O napansin din nila ang gulat sa mukha ni Niel na agad din nyang itinago ng gamit ang ngiti?

"Ah ganun ba? So... kayo na ni Serene?" tanong ni Niel kay Jace

Napatingin kaming lahat kay Jace, excited sa ibibigay nyang sagot. Naku si Jace pa! Ngayon lang yan magkakaroon ng lovelife kaya interesado kaming malaman 

"Ewan." matipid nyang sagot

"Ewan?" dismayadong sabi ni Rico "Ano ba naman yan 'tol! ang hina mo yatang dumiskarte."

"Akalain nyo si Jace may pagkatorpe rin pala?" pigil na tawa ni Shane

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon