Kabanata 25

13.2K 382 8
                                    

Kabanata 25

Nangangamba

Sa bilis ng panahon hindi ko namalayang tapos na ang semestral break. Hindi man marami ang aking napuntahan ay naging abala naman ako sa bistro. Sayang naman kasi ang ipinapaaral sa akin ni Tita kung magliliwaliw lang ako. Mas magandang nanatili ako at tumulong sa bistro dahil kulang sa tao. Kahit naman masakripisyo ang kahit na kaonting kaligayahan basta makatulong sa iba ay gagawin ko.

Hindi na ako nakasama kay Jeni sa Pangasinan dahil mas pinili kong manatili sa bahay. Si Helion naman ay nagbakasyon pabalik sa Greece kung saan namamalagi ang kaniyang papa. Helion told me he wasn’t really that close to his father but he’s close with his other relatives. Nag-iisang anak si Helion ng kaniyang papa sa kaniyang inang Pilipina. He was five when they got separated. May bago mang pamilya ang kaniyang dalawang magulang ay hindi naman siya pinabayaan. He would visit his mom here tapos ay kinukumusta niya rin ang ama sa Greece kahit na ang kaniyang mga kapatid sa bagong asawa ng kaniyang ama.

Ayaw niya sanang bumisita sa Greece dahil alam niyang hindi agad siya papabalikin sa Pilipinas pero pinilit ko siya dahil alam kong namimiss niya na rin ang kaniyang mga kapatid at ama. Kahit medyo labag sa loob ko ay pinagtulakan ko siyang magbakasyon doon. It wouldn't hurt to miss him for days right? At saka ayos na ako kahit na nagtatawagan kami at nagcha-chat sa messenger. Kahit papaano'y naiibsan naman ang pagkamiss ko sa kanya.

" Hindi ka ba susunduin ng nobyo mo, Raya?" tanong ni Tita sa akin nang masulyapan sa bintana na wala pa ang sasakyan ni Helion.

Marahan akong umiling. " Hindi po. Mamaya pa pong gabi ang dating niya galing Greece." sabi ko at isinukbit ang aking bag.

Tumango si Tita at hinayaan na akong umalis. Isang semester pa sa taong ito at dalawang taon na lang ay makakagraduate na ako. Sa ilang planong nagawa ko, kailanma'y hindi napabilang doon ang pagkakaroon ng nobyo. Having Helion in my life was out of plan. Tama nga siguro si Tita, kahit anong gawing plano ay alam niyang may sisingit o mawawala doon. Magugulo ang nagawa at kailangan na namang magsimula ulit.

Para sa akin ay hindi naman kailangang magsimula ulit. May madagdag man ay kailangan lang sumabay sa kung ano man ang naplano. Hindi naman mahalaga kung may magbago ang importante naman ay kung ano ang natutunan doon.

" Raya! Patingin nga ulit ng sched mo. Nakalimutan ko na tuloy dahil sa sembreak!" sabi sa akin ni Jeni nang magkasama kaming maglunch. Saglit akong tumigil sa pagsubo at kinuha ang schedule sa aking bag. Inabot ko iyon sa kaniya bago ulit sumubo.

" Hindi halos lahat magkaklase tayo pero may pareho tayong vacant!?" aniya na parang di makapaniwala.

" Nabagok ba ang ulo mo sa bato doon sa dagat? Ang dami mo yatang nakalimutan.” sabi ko sa kanya at sinundan ito ng tawa.

Ngumuso siya at umirap sa akin. " Sorry naman po! Basta talaga bakasyon Raya hindi mo na mararamdamang may pasok pa pala pagdating mo. Ikaw kasi dapat ini-enjoy mo yung mga bakasyong ibinibigay sa’yo."

" 'Wag na no. Alam mo namang hindi ko naman talaga hilig ang pumunta sa malayong lugar." Sabi ko na lang. Umirap siya sa akin at pinagkrus ang mga braso.

" Alam ko. Pero gusto ko lang namang mag-enjoy ka. You've been stuck on your house every summer and sembreaks. Paano mo natatagalan iyon?"

" Nag-iipon ako, Jeni. Saka na kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral." balewala kong sabi.

Walang gaanong klase nang maghapon dahil unang araw palang naman matapos ang bakasyon. Hindi pa nga nakakabalik ang iba kong kaklase. Dumiretso agad ako ng bistro nang maghiwalay kami ni Jeni dahil may sundo siya. Maraming tao dahil marami na naman ang estudyante at halos lahat ay doon tumatambay pagkatapos ng klase.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon