11.

241 6 1
                                    


Hindi ko inakala na ganoon na lamang ang magiging reaksyon ng katawan ko nang makita ko si Theo after all these months. Akala ko na kapag nakita ko s'ya wala na lahat; wala na 'yung sakit at pati na rin 'yung takot. Oo, nawala na 'yung pagmamahal pero nakatatak pa rin pala sa puso't isip ko 'yung mga kagaguhang ginawa n'ya sa'kin. Hindi ko rin inakala na masasabi ko at maaamin ko kay Unique ang tinatago tago ko sakan'ya. Natakot kasi ako na baka pag nalaman n'ya ay mandidiri s'ya sa'kin dahil nadumihan na ako ng hindi ko ginugusto.

Isang linggo ang nakalipas at hindi ko magawang ipakita kay Unique ang mukha ko kesyo busy ako sa school dahil ang daming requirements ganon kahit hindi naman talaga. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero sinabi ng utak ko na tama kahit ang sabi naman ng puso ko hindi. Nagtatalo nanaman sila pero sa oras na 'to pinili ko ang utak ko.

"Julia." Pagtawag sa'kin ni Bridget kaya bumalik sa kan'ya ang atensyon ko, "Nakatulala ka nanaman." Sabi n'ya at bakas sa boses n'ya ang lungkot at pagalala. "Okay ka lang ba?" tanong n'ya sa'kin kaya ngumiti ako at tumango. Tinignan ko ang pagkain na hindi ko pa pala nagagalaw kanina pa habang si Bree ay katatapos lang kumain. Nasa Bonchon kami ngayon sa Mendiola, hindi ko alam kung bakit kami dito kumain pero hindi na ako nagreklamo.

"Kainin mo na 'yan." Sabi n'ya habang nakatingin sa plato ko kaya umiling ako at inurong palayo sa'kin. "'Di mo inuubos lagi pagkain mo simula nang makita mo ulit 'yung gagong 'yun." Inis na sabi ni Bridget habang nakakunot ang noo, "Do you still love him or something?" diretsong sabi n'ya kaya napalingon ako sakan'ya, "No, I don't." I hissed through gritted teeth. It might seem like I'm in denial pero the truth is takot talaga ako kay Theo at hindi na pagmamahal ang meron sa puso ko.

"Ano lang? Bakit ka nagkakaganyan?" napapalakas na ng onti ang boses ni Bree kaya sinamaan ko s'ya ng tingin kaya umayos s'ya ng upo at kumalma, "Sagot, Julia." Mahina n'yang sabi ang I bit my lip trying to stop my tears from pouring down, "Takot. Natatakot ako kay Theo, Bree." I stuttered and her face softened, "Nagkakaganito ako kasi I'm building my walls up, baka dumating s'ya ulit at kung ano gawin n'ya sa'kin. Natatakot ako, Bree, I know deep inside na mabait s'ya at naging gago lang talaga s'ya pero hindi mawala sa utak ko na sasaktan n'ya ako ulit." My voice broke midsentence and I had to breathe to continue.

"Julia, hindi ka na n'ya masasaktan." She said at yumuko ako, "Uwi na tayo, Bree." Mahina kong sabi pero nagmatigas s'ya at patuloy na nagsalita, "Julia, I am talking some sense in you. Ang layo na ng narating mo, and I am so proud of you. Stop caging yourself in fear, Julia and just continue opening yourself. You were doing so well, 'wag mong hayaan na pigilan ka ng takot mo na gawin ang mga bagay na alam mong magpapasaya sa'yo." I started to cry.

"Tahan na, Julia." Nakangiting sabi ni Bree, tumayo s'ya at pumunta sa pwesto ko, "Tara na uwi na tayo." Sabi n'ya at naglakad kami palabas, pumara ng taxi at sumakay na. Nakaramdam ako ng patuloy na pagvibrate kaya tinignan ko ang cellphone ko, nagtext si Unique. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Isa, Dalawa, Tatlo [A Unique Salonga Fanfiction]Where stories live. Discover now