Kabanata 26

12.6K 422 35
                                    

Kabanata 26

Mahal

Pinagmasdan ko si Helion habang nagsusulat siya sa kaniyang notebook. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo habang may sino-solve na problem na pinapagawa sa kanila. Tahimik ang library at walang masyadong estudyante dahil kanina pa ang uwian. Karamihan sa mga dumadaan dito ay magsasauli lang naman ng libro at hindi na magtatagal.

I inhaled deeper as I stared at the pile of books. Naisipan ko lang namang pumunta dito dahil gusto kong magbasa. Karamihan dito ay Greek mythology na kinuha ni Helion sa literature section kanina. Kahit hindi ko hilig ang pagbabasa nito ay kinuha ko na lang. I am interested in books but I'm more interested in Helion.

Kung ano nga ba ang nakakapagpasaya sa kaniya kapag malungkot siya o kung ano yung mas gusto niyang gawin kapag bored siya. I knew some relevant informatio about him. Bukod sa pagbabanda ay magaling siya sa pagguhit. I saw some of his sketches on his portfolio. Kung ako lang din naman ang titingin ay papasa siya bilang engineer. Sa bawat hagod ng lapis sa papel ay nagkakaroon ng buhay ang kaniyang mga iginuhit. Most of them were inspired by Greek Architecture.

Napansin kong ibinaba ni Helion ang lapis na hawak. Nang dinungaw ko ang kaniyang papel ay tapos na siya sa kaniyang ginagawa at binilugan na niya lahat ng huling sagot. Sinulyapan niya ako habang pinagmamasdan ang mga numero na kaniyang isinulat. May ilan akong naiintindihan ngunit sa pamamaraan niya ng pagsolve ay parang nawala agad ako.

Isinara niya ang notebook kaya naagaw niya ang aking atensyon. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang mapansing bahagya siyang nakanguso at malalim ang pagkakatitig sa akin.

"Bakit?"

Umiling siya. Inayos ang pagkakaupo pagkatapos ay bahagya akong inakbayan. Kabadong nilingon ko ang puwesto ng librarian pero wala naman siya doon. Naririnig ko ang boses ng librarian sa labas na rinig rin namin sa loob. Pareho kaming natawa ni Helion bago niya ako hinila gamit ang braso.

Sumandal ako sa kaniyang balikat habang binabasa ko ang libro tungkol kina Orpheus at Eurydice.The mythology is about love, passion and weaknesses of the spirit. Orpheus fell in love with Eurydice. Nagpakasal sila ngunit ang kanilang kapalaran ay hindi pala magtatapos sa isang magandang katapusan.

When Eurydice died, Orpheus mourned that he even used his lyre to create such gloomy melody para iparamdam ang kaniyang matinding pangungulila sa kaniyang asawa. He even descended to the underworld just to please Hades. Nagtagumpay nga siyang makuha ang loob ni Hades at doon ay pinagbigyan siyang makuha ang kaniyang asawa. As a condition, Eurydice would follow him but he should not look back at her before coming out of the Underworld. But I realized, love was really not enough to win what you really want. Orpheus failed in the end. Nang hindi niya marinig ang yabag ni Eurydice ay lumingon siya dahil inakala niyang niloloko lang siya ng mga diyos. He saw her being dragged back to the Underworld.

Nabigo siya.

Pinapaalala lang ng kuwento na hindi sapat ang pagmamahal lamang sa isa't isa. Gaano man kalakas ang nararamdamang pagmamahal kung wala namang sapat na pagtitiwala ay mabubuwag din ang pagsasamahan. Eurydice was Orpheus' weakness. Isang kahinaang nauwi sa takot na mas pinahina pa dahil sa kawalan ng tiwala. Nabigo siyang makuha at makasama ulit ang asawa.

"You like the story?" rinig kong tanong ni Helion. Napansin niya sigurong malalim ang pagkakatitig ko sa likurang bahagi ng libro. Umiling ako. Hindi ko alam pero hindi ko talaga nagustuhan ang istorya. Siguro ay dahil nabigo ako sa pag-aakalang magiging maganda ang katapusan nito. I always believed in happy endings. Pero kahit na ganoon ang kuwento ay malaki ang nakuha kong aral.

Kumunot ang noo ni Helion. Kinuha niya ang libro at ipinatong sa mesa. I crinkled my nose. Inililigpit niya na ang mga librong kinuha naming kanina. Tumayo siya kaya naman tumayo na rin ako. Kinuha ko yung tatlong libro na nakapatong lang sa taas. Humagikgik ako at nauna ng pumunta sa literature section.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon