Volume2 CH 5: Three seconds

4.7K 92 5
                                    



***
Raven's Pov

'Raven ~'

Ani ng isang tinig .

'Raven~'

Ang lamig ng boses nito . Ngunit kahit anong lingon ay hindi ko makita yung tumatawag sakin .

'Raven~'

Tawag ulit nito sakin . Nasan ba ko ? Bakit ang dilim dilim dito at wala akong makita ?

'Raven~'

Lalong lumalakas ang tinig hanngang may nakita akong liwanag na papalapit sakin .

Unti unti itong lumalapit sakin ,wala akong makita dahil nasisilaw ako sa sobrang liwanag .

At lalo rin lumalakas ang tinig ng tumatawag sakin . Para nasa loob ito ng liwanag.

'Raveeeeen!'

'Raveeen !'

'Raveen, Raven !' Bigla akong napabalikwas ng narinig ko ang pagtawag sakin ni Kiera .

Pagmulat ko ay sumalubong sakin ang nagaalalang mukha ni Kiera .

'Kala ko di ka na magigising , nagalala ako sayo !' Ani nito .

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang kumirot ito .

Isang panaginip? Anong ibig sabihin nun ? Sino yung tumatawag sakin ?

'Raven !' Tawag ulit sakin ni Kiera kaya bumlik ang atensyon ko sa kanya ..

'A-ah !'

'Uminom ka nga muna ng tubig . ' utos nito at inabutan ako ng isang baso ng tubig .

Pagkainom koo non ay tumingin ako kay Kiera.

'Salamat ' sabi ko .

Narinig kong nagbuntong hinihanga si Kiera at biglang napaupo sa aking kama .

'Ayos ka na ba ?'

Tumango tango ako dito at nginitian sya ng bahagya .

'Ano bang nangyayari sayo Raven ? Nagising na lang ako ng narinig ko sumisigaw ka '

Kaya Kinukwento ko sa kanya yung napanaginipan ko . Maski sya ay hindi alam ang ibig sabihin ng panaginip ko .

'Kalimutan mo na lang yan Raven siguro dulot lang yan ng pagod ' ani nito at napatango tango naman ako .

Siguro nga dulot lang ng mga hindi magandang nangyari sakin kahapon .

'Raven may balat ka pala sa likod mo ?' Ani ni Kiera kaya napatingin ako sa kanya .

Naghahanda na kasi kami para pumasok . Lumapit ito sakin at tinuro yung sinasabi nyang balat .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon