Volume 2 CH 6: A storm disaster; Silver and Zack

4.5K 91 0
                                    

I really like this kind of title ☺️. >fangirl mode (otaku) < #ReverseHaremislove 💕.
Again © to the rightful owner of the pictures in the multimedia.

***
Raven's Pov

'Raven san ka pupunta ?'
Tanong ni Kiera sakin .

Lumingon ako dito .

'Dyan lang puntahan mo na lang ako sa garden of Thorn pagkatapos ng klase mo ' sagot ko .

May klase kasi sya ngyon . Yung pang half human at half wolf tulad nila . E wala naman akong klase ngyon . At may pupuntahan din ako .

'Okay wait mo ko hah! Bye bye ' paalam ni Kiera kaya nginitian ko ito .

'Ingat ka Kiera ' ani ko at nginitian ako nito at nagthumbs up pa .

Tumuloy tuloy na ito sa pagpunta sa klase nya . Kaya ako naman ay dumaretso na sa cafeteria para magluto .

Ng matapos ako ay saktong 12pm na kaya dumaretso na ko sa Garden of Thorn.

Ngunit pagdating ko dun ay wala akong naabutan .

Nasan si Prince Night ? Sabi nya 12 pm . Bakit wala sya ? Naalala ko tuloy may klase si Kiera so may klase rin sya .

Pinaglalaruan ata ako ni Prince Night.

Aalis na dapat ako ng may narinig akong humikba . Galing ito sa taas ng puno kaya agad akong tumingin dun at nakita ko ang aking hinahanap .

Nung nakita ako nito ay agad agad itong tumalon pababa . Kasabay ng pusa nya .

Tulad ng dati messy parin ang buhok nito at hindi tama ang suot nito sa uniform nya .

Naalala ko tuloy si Zack . Parehas sila na way ng pagsusuot ng uniform.

Hindi maayos ang pagkakatie nito . Bukas din ang una at dalawang botones nito at hindi nito suot ang coat nila .

Naalala ko tuloy ang mga nanyari kanina sa Library. Hay ! Raven wala kang mapapala sa lalaking yun . Kaya wag mo syang isipin .

'Bakit ka umiiling ?' Tanong ni Prince Night .

Hindi ko pala napansin na umiiling na ko .

'W-wala wala ' sagot ko .

Agad nyang kinuha yung pagkain na dala ko na walang sabi sabi .

Umupo ito sa damuhan at agad na binuksan ang dala kong pagkain . Lumpit naman agad dito ang pusa nya .

'Masarap na naman ang kakainin natin Dark ' ani nito sa pusa nya .

Bakit ang lambing nyang kausapin ang pusa nya ? Bakit ako ang bastos nya ? . Hay !

Mukhang tapos na ang trabaho ko dito . Kaya hindi nya na ko papansinin .

Tahimik lang kumain ng pusa nya habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila .


'Three seconds, stay like this for three seconds..'

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon