Volume 2 CH 13: In The Middle Of The Chaos

3.6K 100 9
                                    

XXX

Raven's pov

Kasalukuyang nasa cafeteria kami ngyon ni Kiera habang naglalabas sya ng Sama ng loob kay stone.


'Nakita mo naman raven kung gano kayabang ang ugok na yun then magpapasalamat pa ko sa kanya. No way!.' ani nito sakin.


Hindi ko alam ang sasabihin ko o irereact ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

'Ganon naman palagi yun si stone hindi ka na Sanay Kiera dapat hinayaan mo na lang at nagpasalamat ka.' sagot ko. Ayoko ko kasing magalit syang masyado kay stone.


Tumingin ito sakin ng mariin pagkatapos Kong sabihin yun.


'Hahayaan Raven? Makita ko lang anino nya naiinis na ko. Lalo na yung nakangisi nya mukha na para may gagawing kalokohan, Sarap nyang ilampaso sa sahig!' sabi ni Kiera at biglang kumagat sa hawak nyang tinapay.


Napakamot ako ng ulo ko dahil roon. Halatang galit talaga ang dugo ni Kiera kay stone. At mukhang imposibleng hindi sila magaway. Para silang aso't pusa.


Hay!


'Bakit ba galit ka kay Stone? Ganyan na ba kayo dati?' biglang tanong ko na nagpatigil sa kanya sa pagnguya.


Tinungga nito ang isang basong tubig bago magsalita.


'Bakit ako galit sa ugok na yun? Maraming dahilan pero ang pinaka punot dulo nito ay nung ipinahiya nya ko sa harapan ni Prince Night my labs at sa Maraming tao' kwento nya.


'ipinahiya?' nagtataka kong tanong.


'yup. Dati na kaming aso't pusa pero hindi ganto ka grabe. Birthday nun ng hari ng kaharian namin at imbitado ang pamilya namin sa palasyo kaya nag handa talaga ako ng sobra kasi makikita ko ulit yung Prince charming ko si my labs. Ani ni Kiera at kumagat ng tinapay na hawak nya at muling nagsalita.


'Kaso ang selfish at mayabang na si stone ay pinagsigawan sa lahat na may gusto ako kay Prince night. Hiyang hiya ako nun dahil sino ako para mapansin ng prinsipeng tulad ni my labs. Kaya sa sobrang hiya ko ay tatakbo Sana ako paalis ng masagi ko yung jar na may juice at sa gitna ng maraming tao ay naligo ako ng malagkit na likido. Napahiya ako sa Maraming tao at lalo na kay Prince Night nun. 'pagkwekwento nya.


Hindi ko alam na ganon Pala ang dahilan. Bakit naman kasi yun ginawa ni stone? Gusto nya ba talagang mapahiya si Kiera?


' Dahil dun ay kahit kelan ay hindi ko na nagawang makadalo sa pagdiriwang sa palasyo dahil sa ginawa Kong eksena nun. At isa pang ikinagagalit ko ay yung sinabi ng ugok na yun ang nararamdaman ko kay my labs na dapat ako ang gumawa. Kaya pagnakikita ko si stone ay naalala ko yung nangyari at bigla akong naiinis 'dugtong nito.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon