Chapter 14

250K 6.1K 1.1K
                                    

Sa pagpapatuloy ng laro, hindi pa rin tumitigil ang pagkantiyaw kila Xiara, Mae at Karlo. Love triangle daw. Paano kapag mayroon ngang nabuo? Ade gulo to the max na?

Pinaikot na ni Karlo ang bote ng huminto ang mga kaklase sa pagtukso sa kaniya. Ngayon, huminto naman ito kay Kian.

"Aha! Pareng Kian, baka ako naman ang mayroong madiskubre sayo? Haha! Ano? Truth or Dare?" Wika nito na bumabawi sa pang-aalaska sa kaniya ng mga kaklase.

"Oo nga pare eh, kasi Truth ang pipiliin ko hehe!" Wika nito na halos hindi mo na makita ang kaniyang mata habang siya'y tumatawa. Chinito!

"Ang siga-sigaan sa classroom nagtruth! Mukhang may nais kang iparating ah? Pero bago iyon, ang letrang hawak mo ay?" Tanong niya rito habang nag-iisip.

"Letter C, let's see kung may maaamin nga ako. Haha!" Wika nito.

"Ok, nagkaroon na ako ng idea. Kaya ang word ko sayo ay CRUSH. Sino sa mga nandito ang hinahangaan mo at bakit?" Tanong ni Karlo habang nakangiti rito.

"Mukhang may mabubuking kami sayo Kian!" Wika ni Hannah.

"Oo nga, sino kaya ang matagal na niyang pinagpapantasyahan noong una pa lang?" Wika ni Josh.

"Josh, pantasya talaga?" Wika ni Abi na katabi nito.

"Who's the lucky girl kaya?" Wika ni Tin.

"Crush? Lahat naman tayo ay mayroong kaniya-kaniyang hinahangaan. Ang babaeng ito ay Crush ko na noong unang kita ko pa lang sa kaniya kasi, simple lang siya at dahil doon, napukaw niya ang atensyon ko. Bilib din ako sa angking talino niya. Hindi siya mapagmalaki, napakadown to earth niyan sobra. Hindi pa kami nakakapagbonding ng taong iyon dahil nahihiya ako sa kaniya hehe!" Paliwanag ni Kian habang nakayuko at kinakamot ang ulo.

"Hala, ako yata iyon?" Wika ni Mia na wari mo'y gulat na gulat.

"Loka, huwag kang assuming! Wala sayo yung mga qualities na tinuran ni Kian." Wika naman ni Ginny sabay hampas sa braso nito.

"Ay sayang naman! Haha!" Wika nito na tila ba nanghihinayang.

Wala ni isa sa mga babae ang makahula kung sino yung babaeng tinutukoy ni Kian kaya atat na atat na silang malaman kung sino ang babaeng tinutukoy nito.

"Ikaw ang tinutukoy ko.. Roxette." Wika nito at nakaturo pa talaga siya sa dalaga.

"Ha? Ako talaga?" Wika nito na hindi pa rin makapaniwala.

"Ang haba ng hair mo girl! Nagtraffic tuloy sa EDSA dahil diyan. Haha!" Wika ni Arianne at nagtawanan ang lahat.

"Ewan ko ba, nahihiya ako sa tuwing nakikita kita. Pero ngayon, nagkaroon ako ng lakas ng loob kaya sana naman, minsan, magbonding tayo." Wika nito habang nakangiti.

"Kinikilig ako sayo Kian, huwag kang ganiyan." Wika ni Joan.

"Um-oo ka na! Huwag ka ng pakipot, bonding lang naman eh. Hindi magagalit si Hannah. Hehe!" Pangungulit ni Arianne kay Roxette.

"Huwag kang mag-alala, okay lang sa akin." Wika ni Hannah habang nakangiti.

"O-okay s-sige, minsan." Pautal-utal niyang sabi.

"Thanks!" Anito.

"Uy, selos si Ethan! Haha!" Pangangantiyaw ni Ramil.

"Hindi noh!" Wika nito kahit na alam ng lahat na selos na selos na ito dahil sa itsura niyang hindi maipinta.

Kinuha na ni Kian ang bote at pinaikot ito kaagad. Sakto, tumapat ito kay Ethan na hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Oh pare, mukhang siniswerte ka na naman ngayon. Truth or Dare? Don't worry, Crush ko lang si Rox mo hehe!" Wika nito habang pinipigil ang pagtawa.

"Alam ko naman iyon eh haha! Dare ang pipiliin ko. Wala akong inuurungang hamon noh." Wika nito na tila ba may pinagmamalaki.

"Sabi mo eh, pero bago mo malaman ang dare mo, letter muna." Anito.

"Letter Z, alam kong mahirap iyan kaya goodluck sa pag-iisip." Aniya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Oo nga, ang hirap! Pero ang naisip kong word sayo ay ZOMBIE." Wika nito.

"Zombie? Ano ito, paglalakaran mo ako na parang zombie?" Tanong nito habang nakahalukipkip.

"Hindi ganun, diba alam naman natin na mabagal sila maglakad? Kaya ang ipapagawa ko sayo ay ZOMBIE KISS. Paano humalik ng mabagal ang Zombie? At ito ay ipapakita mo sa amin kasama si Agatha." Wika nito.

"Oh to the ehm to the gee! Grabe yung dare!" Wika ni Tin sabay irap sa ere.

"Naku Agatha, papayag ka ba?" Tanong ni Nikka.

"Okay lang sa akin, tutal, nagkaliwanagan na kami na friends na lang kami." Wika niya habang nag-aayos ng buhok.

"Game! Kaya ko ito!" Wika ni Ethan at tumayo na sa kaniyang kinauupuan at sinundo si Agatha sa kinauupuan nito at sila'y dumiretso na sa gitna.

"Agatha, dare lang ito kaya huwag kang magpadala sa nararamdaman mo." Wika ni Ethan habang nakahawak sa magkabilang braso nito.

"Oo naman, pinalaya na kita. Gawin na lang natin yung dare." Wika nito sabay pakawala ng nagsusumigaw niyang ngiti.

"Ethan, kaya mo iyan! Isipin mo na lang, si Roxette siya." Wika niya sa kaniyang isipan.

Unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Mabagal, at tila sumasabay ang kanilang paghahalikan sa ihip ng hangin. Para silang nasa alapaap na pinapalipad ang isa't isa.

"Wow, para akong nanunuod ng kissing scene sa tv!" Wika ni Jerome.

"Namnamin daw ba ang labi ng isa't isa? Haha!" Wika ni Mark.

"Parang PDA lang noong unang panahon hihi!" Wika naman ni Xiara.

"Lukaret! Walang ganiyan noon!" Pagtatama ni Mae.

Makalipas ang isang minuto, natapos na rin ang live kissing scene ng dalawa.

"Ang tibay niyo dude! Walang kupas! Gaya pa rin iyon ng dati!" Wika ni Ramil.

"Ang intense!" Wika naman ni Adrian.

Tila ba nagkahiyaan ang dalawa at bumalik na sila sa kanilang upuan nang walang kibo.

"Awkward!" Wika ni Aaron.

"Sige na, next spin na dude!" Wika ni Jake.

Pinaikot na ni Ethan ang bote at eksakto pa itong tumapat kay Jake.

Bumalik na sa dati si Ethan ng makarecover na sa dare niya kanina.

"Huh, paano ba iyan dude? Pagkakataon nga naman." Wika nito.

"No choice, ayan na eh." Wika ni Jake na mukhang handa sa kahit ano mang mangyari.

"Truth or Dare?" Wika nito.

"Dare pare, let's enjoy this vacation guys!" Wika nito na nasobrahan yata sa sigla.

"Mukhang hyper ka ngayon ah? Oh sige, letra bro." Wika nito na nakulangan na naman sa sigla.

"Letter H, happy as always haha!" Wika ni Jake sabay pogi pose.

"Geh pagbigyan, ang word ko sayo ay HUG. Yakapin mo yung taong nagbibigay inspirasyon sayo and tell us why." Wika ni Ethan.

"Inspirasyon? Una talaga ay yung family ko then yung dreams ko at yung taong nandito na kaclose ko. Si Tin, para ko na siyang bestfriend dahil lagi siyang nandiyan para sa akin." Wika ni Jake habang nakatingin sa kaibigan.

"Don't worry Aaron, Tin is all yours." Wika nito at nilapitan si Tin.

"Thanks for everything." Wika nito sabay yakap sa kaibigan.

"No problem, where friends naman eh." Wika ni Tin sabay hiwalay sa yakap ng kaibigan.

"Oh Aaron, friendly hug lang iyon. Baka pagselosan mo pa ako niyan." Malokong saad ni Jake sabay baliw sa kaniyang upuan.

"Yeah I know, I trust you and also Tin." Wika nito.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon