Chapter 15

246K 5.9K 780
                                    

Pinasadahan na ni Jake ang pagpapaikot sa bote. Konti na lang ang hindi natatapatan kaya sila'y mga pawang na kinakabahan.

Sa huling pag-ikot ng bote, ito'y tumapat na kay Tin ngunit mali ang akala ng lahat dahil konti lang ang pagitan at ito'y tumapat kay Ginny.

"Akala ko talaga si Tin na eh! Maganda pa naman yung naiisip kong dare sa kaniya haga!" Sambit ni Jake.

"Save ako! Thanks to Ginny at she's malapit sa akin. Hehe!" Wika nito sabay hagikgik ng paimpit.

"Oh, time ko na para maparusahan kaya huwag mo ng itanong Jake kung truth or dare ba dahil DARE talaga ang pipiliin ko." Wika ni Ginny na nagmamasungit.

"Mayroon ka ba ngayon? Relax lang!" Wika ni Jake rito.

"Letter nga pala para matapos na ang kalbaryo ko sayo." Wika ni Jake na ikinatawa ng lahat.

"Tse! Letter K! Ang dali diba? May hula na ako sa dare ko." Pagtataray nito.

"Oh! I know, mukhang may pinaplano ka kaya sige pagbibigyan kita. Show to us your feeling to that special man haha! Your word is KISS. Kiss the person you like most dito." Wika ni Jake sabay kindat sa dalaga.

"Mabuti naman at iyan ang word mo sa akin. Kase, katingkati na akong halikan siya." Wika ni Ginny sabay tayo ng dahan-dahan.

"Oh Girl, huwag ka masyadong magpakawild sa kaniya ah? Hihi!" Wika ni Arianne.

"Ang daya niyo! Hindi ko kilala yung guy!" Wika ni Roxette na naglungkut-lungkutan.

"Ngayon, makikilala na natin siya." Singit ni Joan.

Naglakad na si Ginny papunta sa harap ni Ethan kaya nagulat ang lahat pero bago siya makalapit dito ay bigla siyang lumiko sa kanang at biglang sinunggaban ng halik si Ramil.

Nagulat si Ramil dahil nakatingin ito sa malayo ng bigla na lang siyang sunggaban ni Ginny ng halik sa kaniyang labi.

Hindi siya rumirespunde sa halik ng dalaga dahil hindi pa rin iyon tumatatak sa kaniyang utak. Kalaunan, tinugon na niya ang halik ng dalaga. Wild, hot at intense ang kanilang ginagawa.

"Ohhh!" Ang tanging nasambit ni Adrian.

Halos lahat ay napanganga sa kanilang nasaksihan.

Matagal na nilang nililink ang dalawa kaso nga lang, may jowa sila pareho pero ngayong single silang dalawa, mukhang may pag-asa.

Nang matapos ang nakakakilabot na ginawa nung dalawa, biglang nagsalita si Ginny doon sa gitna ng bilog.

"Guys, ang tanga ko! Ngayon ko lang naramdaman na may pagtingin pala ako kay Ramil pero pinipigilan ko kaya ayun, naipon lahat ngayon lang sumabog. Hehe!" Wika nito na tila ngayon pa nahiya sa mga kaklase.

"Ganiyan ka pala kapag may sama ng loob haha!" Kumento ni Jake.

"Pasensya nga pala Jake sa inasal ko kanina hehe." Aniya.

"At sayo naman Ramil, I enjoy it! Sa uulitin! Hihi!" Wika nito sabay takbo pabalik sa kaniyang upuan.

Ngumiti lang ang binata sa sinabi ng dalaga.

"Oh ayan, nagawa ko na ang dapat kong gawin kaya next spin na." Wika niya at pinaikot na ang bote.

Sa pag-ikot ng bote, sumasabay sila sa pag-indayog ng hangin habang kumakanta ang D' Mp5.

Tumigil ang bote sa harapan ni Tin.

"Oh Tin eto na talaga! Ikaw na! Haha! Truth or Dare?" Wika ni Ginny dito.

"OMG! I'm gonna die!" Wika nito habang nakahawak sa dibdib na para bang aatakihin sa puso.

"Oo much Tin? Haha!" Wika ni Xiara rito.

"Heto na eh! Sulitin na natin! Dare kung dare!" Matapang na sambit nito.

"Ok, pero hindi ko na tatanungin ang letter mo dahil alam ko na. Katabi lang kaya kita." Wika ni Ginny.

"Yup, but it's hard you know?! Letter Q. So, ano na?" Tanong ni Tin.

"Ang hirap nga talaga pero eto lang talaga ang naisip kong gawin mo eh. My word is QUAIL EGG. Kaya kakain ka ng dalawampung piraso ng pugo." Wika ni Ginny sabay tayo sa kinauupuan at kinuha ang pugo sa refrigerator.

"Why pugo pa? Yo know, nasa diet stage ako at I don't want to be mataba!" Reklamo ni Tin na nagpapapadyak sa sahig.

"Don't worry Tin, may isang taong pwedeng tumulong sayo it means tig-sampu kayo." Paliwanag ni Ginny.

"Ako na ang magboboluntaryo para hindi ka tumaba, mahal ko." Wika ni Aaron sabay tabi kay Tin.

"Thanks by the way!" Wika ni Tin sabay pwesto nila ni Aaron sa gitna.

"But but but, kailangan niyong subuan ang isa't isa para mas sweet." Dagdag ni Ginny.

"Oh! Para akong manunuod ng romantic date!" Sigaw ni Grace na para bang kinikilig.

"Ok!" Wika nilang dalawa.

Parang walang tao sa paligid na napapansin yung dalawa dahil chinecherish talaga nila yung moment na iyon. Para silang magdedate sa isla na sila lang dalawa.

"How is it? Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Aaron.

"Yes, I do like it! I enjoy my dare with you." Wika ni Tin sabay blush.

"Huwag masyadong kiligin. Hehe!" Wika ni Aaron at ipinagpatuloy na nila ang kanilang ginagawa.

Matapos ang makalanggam na tagpong iyon, nagspin na si Tin. Habang umiikot yung bote...

"Sana next time, hindi na quail eggs ang kainin niyo haha!" Wika ni Jerome.

"Syempre, mas magiging romantic pa sa susunod." Wika ni Aaron.

Unti-unti ng tumigil ang bote. At iyon ay tumigil sa harapan ni Ramil.

"Oh Ram, ikaw naman ngayon. Live show ulit? Hehe!" Biro ni Tin.

"Depende sa ipapagawa mo sa akin. Dare ako diyan!" Wika nito.

"Okay! Letter nga muna." Wika ni Tin.

"Letter S, easy word haha!" Sambit nito.

"I got an idea! Haha! Dahil bitin ako sa live show niyo ni Ginny, show us what you've got. Mag-STIP TEASE ka sa harap ni Ginny." Wika ni Tin sabay tingin sa katabi na napatulala.

"Ok, sabi ko na nga ba eh, EASY!" Wika ni Ramil sabay tayo at nilapitan si Ginny.

"Mas masaya kung may background music right guys?" Tanong ni Tin.

"Yeah!" Pagsang-ayon ng lahat.

"Ok, enjoy natin ito! Ram, Careless Whisper is enough haha!" Wika ni Tin at pinatugtog na ito sa kaniyang cellphone.

"Okay, gagawin ko na lang yung part ko." Wika ni Ramil at umindayog kasabay ng himig ng musika.

Nilapitan ni Ramil si Ginny at itinayo ito. Ngayon, tinungo nila ang gitna.

"Huwag ka naman masyadong seductive! Nadadala ako." Wika ni Ginny habang gumigiling si Ramil sa kaniyang harapan.

"Sorry, ginagawa ko lang yung part ko." Wika nito sabay wink.

Tila nag-iinit si Ginny sa ginagawa ni Ramil sa kaniya. Nagulat siya ng biglang itaas ni Ramil ang kaniyang suot na t-shirt na tila ba huhubarin.

Napapikit si Ginny sa ginagawa ng binata. Pagdilat niya, wala na roon si Ramil at hindi itinuloy ang panunukso sa dalaga.

"Success! Natemp ko siya haha!" Wika ni Ramil habang naglalakad pabalik sa kaniyang upuan.

"Loko ka! Binitin mo pa ako!" Wika ni Ginny na nagmamaktol pabalik sa kaniyang upuan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon