Chapter 54

19.4K 632 387
                                    


Astra's POV

Tatlong araw simula nung maaksidente si Zoe. Sa tatlong araw na 'yon laging umiiyak si Tita. Nakahinga kaming lahat kahit papaano dahil nasagip sa kapahamakan si Zoe pero naaawa kami sa kahinatnan nito. Tuwing nakikita namin ang itsura nya ay hindi ko maiwasan maawa at manlumo. Gusto kong umiyak kada nakikita ko sya pero nagpapakatatag ako para sa kanya. Ayoko din makita ako ni Tita na umiiyak dahil alam kong mas mahihirapan sya.

Hindi pa nagigising si Zoe simula non. Lagi akong bumibisita sa kanya kasama sila Silva. Kahapon ako ang nagbantayan sa kanya para makapagpahinga naman sila Tita.

Hindi muna kami nagtraining dahil alam kong naepektohan sila sa nangyari kay Zoe lalo na si Silva na sya ang nakasaksi sa nangyari. Panay din ang iyak ni Silva lalo na nung makita nyang duguan si Zoe.

Ang nakakainis lang ay nahit and run si Zoe. Tinakbuhan sya ng nakasagasa sa kanya. Walang cctv sa paligid kaya hindi matukoy kung sino ang nakasagasa sa kanya kaya hanggang ngayon hindi mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Zoe.

Tumingin ako kay Zoe na mahimbing na natutulog. Napangiti ako dahil ang amo nyang matulog pero nakakawala din ng ngiti ang mga sugat nya sa mukha. May sugat sya sa panga nya at sa sentido pero minor lang naman 'yon. Mabuti nga at hindi masyado nademage ang ulunan nya, lahat ng tama ay nasa katawan nya.

"Zoe...anak..." tumingin ako kay Tita. Nagsisimula na naman umiyak si Tita habang hawak ang kaliwang kamay ni Zoe. "Anak..."

Umiwas ako ng tingin.

Narinig ko na tuluyang umiyak si Tita at binabanggit ng paulit ulit ang pangalan ni Zoe. Nakakabigat ng pakiramdam makitang ganito si Tita.

"A-anak?" napatingin ako kay Tita dahil tumigil ito sa pag -iyak at tila nagulat. Tumingin sya sakin. "Gumalaw ang mga daliri nya." sabi nya na tila nabuhayan.

"Talaga po?" lumapit ako sa kanila. Pinagmasdan ko naman si Zoe.

Maya-maya ay dahan-dahan dumilat si Zoe. Napangiti kaming parehas ni Tita dahil magigising na si Zoe.

"Tatawag lang po ako ng doctor." sabi ko at agad lumabas. Saktong may dumaan ng nurse kaya sinabi ko na malapit ng gumising ang pasyente sa loob.

"Anak?" lumapit ulit ako sa kanila.

Pumikit ulit si Zoe dahil mukhang nasisilawan sya pero dumilat din sya ng ilang segundo at tumingin sa paligid.

"Ma-Ma?" mahinang banggit ni Zoe. Natuwa naman si Tita kaya napaiyak ulit si Tita pero mukha tears of joy naman ang dahilan ng pagkaiyak nya dahil nagising na din sa wakas si Zoe.

"Anak ko...mabuti naman nagising ka na..." napangiti naman ng konti si Zoe.

"Ma-Ma...ang...sakit...ng ka-katawan ko..." nahihirapan na sabi ni Zoe.

"Pa." sabi ko nung makapasok si Papa. Ang doctor ni Zoe. Ngumiti naman ng tipid sakin si Papa at nilapitan si Zoe para iexamine. May kung ano-ano itong chineck kay Zoe at sinusulat naman ng nurse nya ang lahat ng sinasabi nya.

"Ano ang nararamdaman mo? may masakit ba sayo?" tanong ni Papa pagkatapos nitong icheck.

"Ka-katawan ko...so-sobrang sakit..." sabi ni Zoe.

"Napuruhan ng sobra ang katawan mo. Muntik na mabalian ang kaliwang binti mo. Niligyan na namin ng cast ang binti mo para hindi mo masyado magalaw." explain ni Papa.

Tinignan namin si Zoe at hinintay pa ang sasabihin nito pero mukhang wala na itong sasabihin kaya nagpaalam na sila Papa.

"Nauuhaw ka ba anak?" tanong ni Tita.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon