Chapter 36

118K 2.1K 160
                                    


                                           ****

Lumalabas si Clarisse ng korte. She won another case. But instead of having the feeling of satisfaction, bigat sa  dibdib ang nararamdaman niya. Lately right after every hearing, laging merong maiksing sandali kung kailan inaatake siya ng hiya sa sarili. Sa harap ng mga kliyente, ipinaglalaban niya ang karapatang nasasaklawan ng kasal pero in reality she mocks it. She disrespected the sanctity of marriage, faked it and made people believe in one big lie. All because of her own personal interest. She committed something that a lawyer should be ashamed of. Sa muling paglambot ng puso niya, the possible aftermath of her risky decision starts to haunt her same time.

"Thank you attorney. Hindi ako nagkamali sa pagkuha sayo. You're indeed a great lawyer," masiglang salubong sa kanya ng kliyente bago siya makalabas ng courtroom.

"It's my job. Thank you too for giving your full trust to me," kunway nakangiting sagot niya habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng kausap.

Matamlay na lumabas siya ng building. Bumuntong-hininga siya at lumanghap ng sapat na hangin upang maibsan ang tila naninikip na dibdib. Nag-iisip siya ng malalim habang naglalakad subalit bigla siyang napahinto at napakunot ng noo nang matanaw si Pierce na naghihintay sa tapat ng gusali ng korte. Nakatayo't nakasandal ito sa labas ng sasakyan. Agad itong ngumiti at kumaway pagkakita sa kanya. Pagkuway inilabas nito ang isang kamay na may hawak na isang bungkos ng mga bulaklak mula sa likod. He stretched his hand to offer her the flowers and winked at her.

Natawa siya sa hitsura ng lalaki. His surprised appearance somehow lightened her heavy feelings. Alam niyang nagbibiro na naman ang lalaki at may pabula-bulaklak pa talaga itong nalalaman. Tinaasan niya ito ng isang kilay at nginusuan habang pinipigilan ang sariling ngumiti. Kunway naniningkit ang mga matang lumapit siya dito.

"Anong ginagawa mo dito?" agad niyang tanong.

"Sinusundo ka na. I heard from your secretary that you're here kaya't dito na kita pinuntahan para hindi ka na magtaxi pa pabalik ng opisina."

He gave her the flowers at pakipot na tinanggap niya ito. Inamoy niya ang bouquet at saka nagdududang tumingin sa lalaki.

"Para saan tong mga bulaklak?" she asked while still holding back her smiles.

"It's a congratulations flowers," ngingiti-ngiting ika ni Pierce.

"Congratulations? For what?"

"Regarding your case. You won again, right?"

"Paano mo nalaman?" she said pouting with a proud tone.

"I'm just guessing. You're one of the best lawyers so I assume you never lost."

Clarisse finally laughed. Kahit papaano ay naantig siya sa surpresa ng lalaki. In fact, this is the first time she saw him holding flowers, parang hindi nga bagay.  "Thanks...Teka ang aga mo naman yata?"

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon