Chapter 56

25.7K 714 405
                                    



Zoe's POV

Nagtataka ako kung bakit dito kami pumunta ni Astra. Napatitig pa ako sa logo na nasa pader. Gusto kong tanungin si Astra kaso kausap nya ang guard dito.

Tatlong araw na kaming nandito sa Manila. Sa loob ng tatlong araw, naggala lang kami ng mga Meteor pero hindi kasama si Astra dahil may inaasikaso ito. Ngayon kasama nya ako sa pag-aasikaso at iniwan namin ang Meteor sa bahay nila.

Pero nagtataka talaga ako kung bakit nandito kami.

"Tara na, nasa office daw sya." sabi ni Astra kaya sumunod ako sa kanya.

"Astra." tumingin ako sa kanya at hinintay na tumingin sya sakin.

"Explain ko mamaya." mukhang alam nya kung ano ang itatanong ko. Tumango na lang ako.

Nakahawak ang kamay ko sa kanya kaya kahit hindi ako tumingin sa daan ay nandyan naman sya. Tumingin tingin ako sa paligid. Ang lawak pala nito pero mas malawak pa din ang camp.

Nakarating kami sa tapat ng office ni coach Rayna. May signage sa pintuan at nakaligay don ang pangalan ni coach Rayna.

Nagtatanong na tumingin ako kay Astra pero hindi nya ako nilingon, kumatok sya sa pintuan at mabilis din binuksan pero hindi si coach Rayna ang nagbukas.

"Zoe, Astra! anong ginagawa ninyo dito?" tanong ni Louise.

"Uhh.." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Si Rayna nandyan?" hanap ni Astra. Nagtataka man pero tumango si Louise.

"Papasukin mo sya, Louise." rinig namin sa loob ng office.

Niluwagan ni Louise ang pintuan at gumilid.

"Pwedeng samahan mo si Zoe? matatagalan bago kami matapos mag-usap ni Rayna." sabi ni Astra kay Louise.

"Sure." nagtataka pa din na sabi ni Louise.

Nilingon ako ni Astra.

"Maggala ka muna dito." sabi nya at ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako sa kanya pero ngumiti lang sya ng bahagya at pumasok sa loob.

Sinara ni Louise ang pintuan para makapag-usap na yung dalawa.

"Nakakagulat na nandito kayo." sabi nya habang naglalakad kami kung saan man. "Bakit pala kakausapin ni Astra si coach Rayna?" tanong nya.

"Hindi ko din alam. Nagtataka nga ako kung bakit dito kami pumunta. Basta ang alam ko pupuntahan namin ang fiance nya." sabi ko.

Napatigil sa paglalakad si Louise kaya tumigil din ako.

"Fiance nya? hindi ba girlfriend ka nya?" takang tanong nya pero natawa ako.

"Wala akong sinabing girlfriend ko si Astra." sila lang naman nag-iisip non.

"Kung hindi mo sya girlfriend bakit ang sweet ninyo?" nakakunot na ang noo nya. Natatawa ako at naglakad muli. Sumunod naman sya sakin.

"Friends lang kami non."

"Pero naghahalikan? ano 'yon? friends with benefits?" tanong nya pero ngumiti ako. Nanlaki ang mga mata nya. "Friends with benefits kayo?!"

"Bunganga mo." sabi ko sa kanya pero natatawa ako sa itsura nya. "Anong masama don?"

"Anong masama don? Zoe naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? may fiance na pala si Astra pero friends with benefits kayo!" napangiwi ako sa lakas ng boses nya. "Ohmygosh! kaya pala nakikita na ni Astra ang katawan mo! at kahit wala ka ng kanang braso nagagawa ninyo 'yon. Hanep ka, Zoe walang palagpas."

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon