Chapter 16: Different Races

71.8K 1.7K 64
                                    

Chapter 16: Different Races

"Awesome!" napapitlag ako nang biglang sumigaw si Yana na nasa harap ko habang nakatingin sa’kin. She's holding a rose tapos may ginagawa siyang gestures habang may sinasabing hindi ko maintindihan. Then the next thing I knew, iba na ang suot ko.

"Kyaaaaa~! Ang galing mo na talaga magcast ng spell, Yana!" Yuki shouted.

Tumingin naman si Yana dun sa dalawa at saka nag-wink. Ako naman, pinagmamasdan lang ang ginagawa nila. Ganito ba talaga sila magpalit ng damit? In just 5 minutes, okay na? Parang instant noodles lang?

“Do you want to see yourself, Miss Zeira?” tanong ni Yana. Bakit pakiramdam ko, kung kausapin ako ni Yana, mas matanda ako sa kanya. I mean, parang puno ng paggalang. O ganyan lang talaga siya?

I just nodded hesitantly while still looking at her. Hindi naman sa natatakot ako sa ginagawa niya sa’kin pero gusto ko lang i-observe yung mga galaw niya.

Itinaas niya ang isang kamay niya habang hawak pa rin yung rose na gamit niya sa ginawa niya sa’kin kanina. Then she motioned her hands randomly. Hindi ko alam kung paikot ba ‘yon o ano.

I turned my gaze on her lips as she whispered something. Hindi ko talaga marinig. O hindi ko lang maintindihan?

I then turned to my left as I saw a light coming from there. Una, maliit lang iyon tapos biglang palaki na iyon ng palaki at kumorte ng isang malaking salamin. Ang galing.

Pinagmasdan kong mabuti yung itsura ko sa salamin at hindi ko mapigilang mapangiti. I am now wearing a dress. A color blue dress, to be exact. Hindi pantay yung laylayan niya. May mahaba at may maikli. Pero sakto lang na umaabot hanggang isang dangkal mula sa tuhod ko.

Kulay blue na flat shoes rin yung suot kong sapatos. Inangat ko ang tingin ko para Makita ang kabuuang repleksyon ko. Hindi ko napansin na nakatali na pala ang buhok ko.

“Like it?” nakangiting sabi ni Yana.

Umiling ako habang nakangiti paring nakatingin sa reflection ko sa salamin. “I actually love it.”

“So… let’s go!” Yumi excitedly said.

“Let’s go!” segunda naman ni Yuki.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon