Chapter 6

30.9K 959 18
                                    

Nag-vibrate ang phone ko dahil may nag-text. Napatingin ako sa phone ko. It's Kael. Ano naman kailangan ng walanghiyang ito? Hindi ako maka move on sa ginawa ng pinsan ni Stefano sa paghalik sa akin na labag sa akin. Pero labag nga ba sa akin? Naipilig ko ang ulo ko. Hindi ko dapat pakaisipan pa ang halik niyang nakakagising ng natutulog kong kamalayan. Haist ano ba yan City magtigil. Saway ko sa sarili ko.

From Kael,
Good morning beautiful.

Palaging nagtetext ang katexmate ko na ito. Sa totoo pareho silang mayabang at conceited. Magka pangalan pa sila hindi kaya iisa lang na tao itong kausap ko? Imposible naman yata. Ano yun coincidence? Nireplyan ko.

To Kael,
Bakit? Anong kailangan mo?

Sent...

Nagtimpla muna ako ng kape habang hinihintay ko ang reply niya. Nag ring bigla ang phone. Napaismid ako. Tumatawag siya. Kahit ayokong kausapin siya sa phone sinagot ko ang tawag.

"Hello, beautiful. Did you eat your breakfast na?" Malambing na wika nito. Napairap ako sa kawalan.

"Nagkakape lang ako ngayon. Wala akong ganang kumain ng almusal" Saad ko habang nakasimangot ang mukha ko. Kahit alam kong hindi naman niya nakikita ang reaction ko ginawa ko pa din. Napatawa ng mahina ang nasa kabilang line.

"You should eat your breakfast. Gusto mo dalhan kita?" Wika nito. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Papaaano naman niya ako dadalhan kung hindi naman niya alam ang address ko. Hindi ko p din sinasabi sa kanya ang address ko kahit magka text mate kami. Hindi pa din ako nagtitiwala sa kanya. Mahirap na no? Napataas tuloy ang kilay ko sa sinabi niya.

"Paano mo naman ako dadalhan aber? Hindi mo nga alam kung saan ako nakatira." Mataray na saad ko.

"It's easy tell me where your address. In half an hour your food is at your doorstep." Mas lalong sumama ang mukha ko sa kayabangan niya. Akala naman magkalapit lang kami kung makasabi ng half an hour. Wala naman akong matandaan na sinabi ko ang address ko sa kanya. Kung makasabi alam na alam niya?

"Bakit ko naman ibibigay aber ang address ko sa iyo? Malay ko ba isa kang rapist or magnanakaw. Sa panahon pa naman na ito madami ang MANLOLOKO" Pinagdiinan ko ang salitang manloloko. Natawa sa kabilang linya si Kael. I knew it totoo ang sinasabi ko isa siya sa mga manlolokong lalaking sinasabi ko. " See ikaw na ang umamin. Sa tono ng tawa mo totoo nga na manloloko ka." Confident na wika ko.

"I'm not a manloloko natawa lang ako kasi parang bitter ka sa pagkakasabi mo ng manloloko" Paliwanag niya.

"Busy ako ngayon ibaba ko na ang tawag. " Pagbabanta ko. Wala akong ganang makipagbolahan at makipaglokohan. Madami pa akong dapat gawin kaysa kausap itong lalaking ito.

" Wait lang beautiful." Pigil nito sa akin. Kung makasabi naman ng beautiful para bang nakita na niya ako.

"Bakit?" Walang gana kong saad.

"Puwede na ba tayo magmeet? Ilang weeks na rin tayo magkatextmate. Maybe it's time to meet up." Suggestion nito. Nag-isip ako kung papayag or hindi. Bigla kasi akong natakot baka naman masamang tao ito? Aba malay ko hindi ba?

"Okay, pumapayag na akong magmeet up na tayong dalawa. Sa mall na lang tayo magkita." Doon na lang ang naisip kong lugar. Atleast doon puwede pa ako makahingi ng tulong kung sakaling may hindi siyang gawin sa kagandahan ko.

"Okay, I'll set our first meeting on Saturday. Is that okay with you?" Tanong nito sa akin.

"Sige." Pagsang-ayon ko. Ito na ang tamang oras para makita ang hitsura niya. Sana naman pogi.

Araw ng pagkikita namin. Napag- usapan naming dito sa McDo ang place ng meet up. Ako ang pumili ng lugar kung saan kami magkikita para may time pa ako makaisip ng gagawin ko kung sakaling nakita ko na siya. Mas inagahan ko ang pagpunta para makasiguro ako na walang balak na masama sa akin ang ka aybol ko di ba? Patingin tingin ako sa bungad na pinto ng McDo kung may kahina hinalang palinga lingang lalaki. Siguradong iyon na yun. Na-focus ang tingin ko sa pumasok na lalaki may kinausap itong service crew. 

Napansin kong lahat ng mga babae napasusulyap sa dumating na lalaki. Mukha naman na hindi ito ang ka-aybol ko kasi parang wala lang ang pagpasok niya. Kaya hindi ko na lang pinagkaabalahan tingnan. Isama pa kasi na kinakabahan ako. Biglang nag-ring ang phone ko kaya kaagad kong sinagot.

"Nasaan ka na ba? Nandito na ako sa meeting place natin." Inis na wika ko. Nakain ko na tuloy yung inorder kong burger at fries. Hindi niya ako sinagot. Napakunot ang noo ko habang pinapakinggan ang nasa background. Maingay. "Hello are you still there?" Wika ko.

"Yes, babe, I'm already here." Napaangat ang ulo ko. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ka-textmate kong nakatayo sa harapan ko. Hindi ako nakagalaw sa inuupuan kong silya. Nakatitig lang kasi ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang siya ang lalaking ka-textmate ko. Biglang sumulak sa  galit ang dibdib ko. Tumayo ako at masama siyang tinapunan ng tingin. Sabi ko na nga ba, bakit hindi ko naisip na siya iyon! Parehong hambog, magkapangalan at pogi?

"You!" Pasigaw kong wika. 

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon