Chapter 21

149K 6.7K 5.5K
                                    

  Chapter 21

ANONG NANGYAYARI?

Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Bakit pakiramdam ko ay para bang biglang bumagal sa paggalaw ang lahat ng bagay sa paligid ko?

Lumapit sa akin si Klay at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Inuga niya ako.

Gising, Ember! Kilos! Hindi man siya makapagsalita, pero alam ko ang gusto niyang sabihin sa 'kin.

But I couldn't move. Lahat ng nasaksihan ko ngayon was too much for me to handle. Hindi ko na kaya. Ilang tao na ang namatay sa harapan ko. Ilan pa ba ang makikita ko?! Hanggang kailan pa ba –

Natigilan ako nang bigla kong naramdaman ang mainit na mga labi ni Klay sa labi ko.

Siniil niya ako ng halik!

Saka ko lang naramdaman muli ang mga kalamnan ko. At nang maramdaman niyang nakakagalaw na ako ay bumitaw sa akin ang kanyang mga labi. Tigagal akong nakatingala sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatutop lang ang mga daliri ko sa labi ko.

Did he really kiss me?

Hinuli niya ang aking pulso at iniangat ako para makatayo. Nanghihina ako pero nakakapagtakang bigla na lang nagkaroon ng lakas ang mga tuhod ko.

Oo nga pala, nasa harapan lang namin ang killer. Dahil pakiramdam ko ay bumagal ang lahat ng bagay sa paligid ko, akala ko ay napakarami na ng nangyari.

Nakahandusay sa harapan ko ang matandang babae na dalawang beses iniligtas ang buhay ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko – biyak ang kanyang bungo nang palakulin siya ng matandang lalaking ito!

Namalayan ko na lang na malayo na pala kami at nananakbo palayo. Napahinto ako sa paglalakad nang gumewang ako at napasandal sa pader.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi mawala sa isip ko ang mga dugong tumilansik sa mukha ko. Ang mga laman loob na tumilapon sa paligid. Ang mga buto na nabiyak. Ang mga amoy na malansa at masangsang.

Naduwal ako at sumuka sa lapag. Parang umiikot ang loob ng tiyan ko. Hindi ko talaga kinaya ang mga nakita ko!

Yumuko si Klay at sinilip ang mukha ko. Iniangat niya ang baba ko at pinunsan ang labi ko.

Napalunok ako.

Bakit kaya ang lakas ng tibok ng dibdib ko? Pero wala na ang takot. Hindi ko alintana na may nagbabadya sa aming panganib nang mga sandaling iyon habang magkasalubong ang aming mga mata.

"K-Klay..." usal ko.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa kanyang dibdib. Hindi siya nakakapagsalita, subalit parang narinig ko ang kanyang boses.

We have to move.

Tumango ako sa kanya.

Ngunit bago pa lang kami maglalakad nang may biglang humablot kay Klay mula sa likuran niya at itinapon siya sa pader.

Napaduwal ng dugo si Klay matapos siyang bumalandra nang malakas sa pader.

"Klay!" Patakbo ko sana siyang lalapit nang sabunutan ako nang matandang lalaki.

Pagkatapos ay marahas niya akong hinila palayo kay Klay at kinaladkad sa sahig.

Napahagulhol ako. "P-please... maawa ka..."

Hindi ko na napansin na napaihi na pala ako sa takot. Wala akong nagawa nang hilahin niya ako sa kung saan. Napakalakas niya! Pakiramdam ko ay hihiwalay sa anit ko ang aking buhok!

Saan niya ako dadalhin?! Saan niya ako papatayin?!

Kumapa ako sa sahig para gamitin itong preno. Nakaramdaman ako ng hapdi dahil nabaklas ang aking ibang kuko! Masyado malakas ang pagkakahila niya sa akin! Gusto niya akong ilayo kay Klay!

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon