Kabanata 27

12.1K 360 31
                                    

Kabanata 27

Envision

Kapag talaga mabilis ang oras, hindi mo na namamalayan ang lahat ng mga bagay na magugulo at mabibigat sa buhay mo. Ang tanging namamalayan mo na lang ay yung mga bagay na nakapagpapabilis ng oras at nakakapagpa-abala sa'yo.School stuffs and some immediate projects had been coming my way that I was too preoccupied with everything. Ngayon lang yata ako nakaluwag-luwag sa schedule. Natapos ko na lahat ng ipapasa sa Lunes kaya naman ngayong araw na ito ay wala akong gagawin. Sabi naman ni Tita sa akin ay hindi ko na kailangan pang tumulong sa bistro dahil kumuha na daw sila ng dagdag pang tauhan para doon. I met them last week kaya naman kahit papaano'y nagkakaroon ako ng oras sa pagpapahinga dahil hindi ko na kailangan pang pumunta sa bistro.

Bilang pagpapagaan sa sarili ay inaya ko na lamang si Jeni na mag-mall kami ngayon. Dati-rati ay madalas namin itong gawin dahil na nga hindi naman talaga masyadong busy ang mga unang taon namin sa university. Pero ngayong nalalapit na ang mga matitinding taon kung saan kailangan na nang puspusang pagpupursigi ay nawalan na ako ng oras para naman mapaligaya ang sarili ko.

Iniharap sa akin ni Jeni ang isang kulay dilaw na dress. Masyadong magarbo ang bawat tabas ng dress na napapangiwi na lang ako. It was good though. I just don't think it would fit me. Hindi naman kagandahan ang aking katawan. There are times that Jeni would tease me about the size of my breast. What's wrong with it anyway? Hindi naman nasusukat ang kagandahan sa kalakihan ng dibdib o magandang korte ng katawan. It would always be the saying that beauty is found in the inside. Mas malaki ang paniniwala kong ang kagandahan ay nagmumula sa loob ng tao. The purer the heart, the beautiful that person is. Kahit naman sino ay maganda ngunit nakadepende naman iyon sa taong makakadama ng tunay na ikaw.

" Ayaw mo?" nakangusong sabi ni Jeni. Umiling ako at kinuha ang dress. Ibinalik ko ito sa rack at naghanap ako ng bago. Tinulungan akong maghanap ni Jeni ng mga bagong maisusuot. Sapat na siguro ang tatlong dress para sa naipon kong pera. Mayroon pa naman ako sa bahay at minsan ko lang naman nasusuot. Ang iba nga ay ipinapamigay ko na kay Ate Nina para naman maibigay niya rin sa kaniyang mga kapatid.

Bitbit ang tatlong paper bag ay namasyal pa ako kasama si Jeni. Sa dami niyang pinamili ay halos mapagod kami sa kakapasyal at napagpasyahan na lang na kumain muna sa isang fast food chain. At dahil Biyernes naman at wala kaming pasok ay medyo marami ang tao. Si Jeni ang nagpresintang umorder kaya naman naiwan ako sa upuan. I received a text from Helion asking what I was doing. Agad ko naman iyong nireplyan na manananghalian na kami ni Jeni.

Helion:

Okay. Can you please update me more, baby?

Napangiti ako sa kaniyang text.

Ako:

Sige. But please focus on your practice, okay? You have to get the attention of that big guy okay?

I hit send. Sumandal ako sa upuan at tinitigan ang aking cellphone. Gustuhin man ni Helion na samahan ako sa mall ay hindi pwede. Una ay dahil gusto ko munang makasama si Jeni. Pangalawa naman ay dahil may band practice sila. Crithos was literally dragging Helion away from me. Natatawa na lamang ako habang pinagmamasdan silang dalawa na nag-aaway lagi. Sa huli ay natatalo naman si Helion dahil ako na mismo ang nagtutulak sa kaniya na unahin ang practice nila.

Sa school sila madalas magpractice na pabor sa akin. While I was doing some important school stuffs, they practiced. Nauuna akong matapos kaya naman may mga oras na napapanuod ko silang magpractice. Si Eion bilang isang leader ay pursigidong maging matagumpay ang kanilang banda kaya naman gusto nilang makuha ang atensyon ng isang talent scout. Alam kong mapapansin naman sila bukod sa lahat sila ay may mga itsura at galing sa maayos na pamilya, sila rin ay magaling. Lahat sila ay may maibubuga kaya naman nararapat lang na bigyan sila ng pagkakataong sumikat.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon