Kabanata 29

11.8K 316 37
                                    



Kabanata 29


Hadlang


Ramdam ko na ang lamig ng Disyembre pagkalabas ko ng bahay. Unang araw ngayon ng Disyembre at ilang araw na lang ay pasko na. Kahapon ay nagsabit na si Tita ng iilang palamuti sa labas ng bahay at mga Christmas lights na iba-iba ang kulay. Pagkatapos ngayon naman ay inilalabas niya na ang nakakahong Christmas tree na aayusin nilang dalawa ni Ate Nina.

Napangiti ako nang makita si Helion sa labas. Kakatext niya lang kanina na nandito na siya sa labas. Sinabihan kong pumasok muna siya sa bahay habang naghihintay sa akin kaso ang sabi niya ay okay lang naman daw na maghintay siya sa labas. Panay na nga ang sita sa akin ni Tita na grabe daw kung paghintayin ko si Helion.

" Good morning!" bati niya sa akin.

" Good morning!" nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi pagkatapos ay inakay na papasok ng sasakyan. Binati ko si Geo na aliw na aliw sa aming dalawa. Hindi naman ito nagkomento at agad ng pinaandar ang sasakyan.

" Do you have plans after class?" tanong niya sa akin.

" Huh? Wala naman. Why?"

" I forgot to tell you that the gig's on this Friday night. Are you available later?"

Nag-isip ako ng mga posibleng gagawin mamayang gabi. Wala naman akong pending assignment at kung meron mang ipapagawa mamaya ay pwede ko namang gawin bukas dahil sabado naman. Wala rin naman kaming napag-usapan ni Jeni na may pupuntahan mamaya.

" Yep. Can I invite Jeni? I just think that you'll be busy with the gig so I need someone to accompany me tonight while you're performing." Sabi ko. Tumango naman siya bago ako hinalikan sa sentido. Tahimik lang naman kami habang nasa biyahe. Panaka-naka ay tinatanong niya ako sa madalas naming ginagawa sa bahay tuwing sasapit ang Disyembre.

Nagpaalam ako sa kaniya nang maihatid niya na ako sa building namin. Hindi ko na hinayaan pang ihatid niya ako sa una kong klase dahil baka siya naman ang malate sa aming dalawa. Hindi naman siya umangal doon at hinalikan na lamang ako sa noo bago siya nagpaalam.

Matapos yung date namin noong Sabado ay kaunting nanatili kami sa lugar dahil nag-inuman pa silang magkakaibigan. Pinayagan ko naman siya dahil alam kong gusto rin siyang makasama ng kaibigan niya. Hindi naman kasi ako yung tipo ng pagbabawalan siya sa gusto niya. Hindi ko gustong itali siya nang mahigpit sa akin as long as hindi naman makakasama sa kaniya. Kasama naman niya ang mga kaibigan niya at malaki ang tiwala ko sa kaniya. All of them were happy for the both of us. Hindi man marami ang naitulong nila ay nagpasalamat pa rin ako dahil sapat na ang presensya nila para sa aming dalawa. Nakikita ko namang hindi tutol ang mga kabigan niya sa aming dalawa. They were happy. Sabi pa nga'y isa ako sa inspirasyon ni Helion kapag nagpapractice sila o di kaya'y tumutugtog.

" Talagang isasama mo ako mamaya?" gulat na sabi sa akin ni Jeni nang mabanggit ko ang tungkol sa gig nina Helion. We're in the canteen having our lunch. Napaaga ang lunch break namin kaya naman nandito na agad kami.

" Oo nga, ang kulit." Natatawa kong sabi sa kaniya.I felt my phone vibrated on my pocket. Agad na kinuha ko iyon at nakita ang text ni Helion sa akin.

Helion:

Where are you?

Ako:

Canteen with Jeni. We're having our lunch. Ikaw, where are you?

Ibinaba ko ang phone at sinalubong naman ako nang nakangising asong si Jeni. She glanced at my phone. Tumaas-baba pa ang kaniyang kilay dahil sa nakita.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon