Chapter 58

28.2K 821 770
                                    


Zoe's POV

Hindi ko na alam kung ilang oras na ako naglalakad lakad at hindi ko alam kung nasaan na ako. Marami akong iniisip kaya nagpaalam ako kanila Astra na gusto ko muna mag-isa. 

Yung tungkol kay Papa, nakausap ko na si Kuya, inamin nya din na hindi si Papa ang nagbugbog sa kanya noon at isang beses lang talaga sya nasuntok ni Papa. Ikinuwento din namin kay Mama ang nangyari. Isa lang ang sinabi nya, gusto nyang makausap si Papa kaya sa linggo nandito silang tatlo para makausap si Papa. Nasabi ko na din ang tungkol don kay Papa at bakas ang tuwa nito.

Pero, hindi ko alam.

Iniisip ko din si Alexa. Sobra talaga ako nasaktan nung birthday ni Ate Kill. Yung tipong problema ko na si Papa tapos makikita ko silang magkasama na papasok sa isang kwarto at sa dulo pa? Isa lang naman agad ang iisipin non pagkatapos sabihin sakin ni Louise ang tungkol sa ginawa nila.

Hindi na nga ako nakapagpahinga dahil don. Nakahiga nga ako pero yung utak ko iniisip kung ano ang ginagawa nila Alexa.

Gustong gusto ko talagang sinasaktan ang sarili ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang may tumatamang tubig sa katawan ko. Tumingin ako sa kalangitan, makulimlim na pala at pumapatak ang ulan. Nilingon ko ang paligid. Hindi ko alam ang lugar na 'to.

Bigla akong napatakbo nung biglang lumakas ang ulan. Grabe climax agad hindi man lang dinahan dahan.

Naghanap ako na pwedeng silungan pero wala akong makita. Basang basa na ako. Malas naman ang araw na 'to.

Nakahanap ako ng pagsisilungan kaya puwesto ako don. Tumingin ako sa sarili ko. Naligo na ako sa ulan.

Hays, sobrang lakas naman ng ulan. Ano oras kaya 'to titila? wala pa naman akong cellphone para mai-contact si Astra tsaka kung meron man baka nabasa na din 'yon. Wallet ko nga basa na eh.

Kalhating oras na akong nakatayo dito sa sinilungan ko pero hindi pa din tumitila ang ulan. Nilalamig na din ako sa sobrang lakas ng ulan at hangin. Tila may bagyo pa ata ngayon.

Tumingin ako sa kotseng tumigil sa tapat ko. Bumisina pa sya ng paulit ulit bago binaba ang bintana.

"Hop In!" sigaw nya.

"Kuya Al?" takang tanong ko nang makilala ko kung sino ang driver.

"Sakay ka, Zoe! hatid na kita!" sabi nya. "Wag matigas ang ulo!" napakamot naman ako.

Dahil sa kagustuhan nya at ayoko na din naman mag-stay pa sa pwesto ko ay tumakbo ako papunta sa kotse ni Kuya Al. Humingi agad ako ng pasensya na basa ako.

"Wala 'yon-teka, wala ka ng kanang braso?" takang tanong nya. Ito na naman ako, magkwe-kwento tungkol sa pagkawala ng aking kanang braso. "Anyway, hindi ko alam na nakabalik ka na pala dito. Sabi ni Steph nasa probinsya ka daw at mukhang malabong makabalik pa dito."

"May inasikaso lang kami dito at nagbakasyon na din." nakangiting sagot ko dahil hindi na nya ako pinakwento tungkol sa kanang braso ko.

"At sa Manila pa talaga kayo nagbakasyon?" natatawang sabi nya habang nakatingin sa kalsada. "Nga pala, gusto mo bang pumunta muna sa bahay? birthday ngayon ni Lovely, magmeryenda ka muna don. Maaga pa naman."

Napatingin ako sa orasan sa kotse ni Kuya Al. Alas tres palang ng hapon.

"Pero basa ako, Kuya Al."

"Don't worry may mga damit naman don. Ano? Darating naman si Steph don dahil birthday ng Ate nya, so may kakilala ka na nandon. Hindi kasi pupunta si Alexa dahil busy ito." hindi ko alam kung alam nya ba ang tungkol samin ni Alexa.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon