Chapter 2 -Kevin Advincula

8K 113 3
                                    

I LOVE YOU, LUPA MAN AKO
written by: Blackrose

------,--'-,--'-{@

Chapter 2 -Kevin Advincula

"Damn! Why isn't my polo pressed yet!" malakas na sigaw ni kevin sa loob ng room niya.

"Naku po Diyos ko.. Nakalimutan ko yung inutos kanina ni Sir Kevin sa kin." takot na sabi ng isang kasambahay ng marinig ang sigaw ng amo.

"Manang! Manang! Where are you? Why isn't my polo pressed yet?!"

"Sir?" takot na sabi ng kasambahay.

"Manang, diba I've asked you kanina to pressed my polo? Eh bakit ganito? Bakit hindi pa na-iron ang polo ko? Papasok na ako Manang." sabay hawak sa polong hindi pa napla-plantya.

"Naku Sir sorry po.. May inutos kasi ang Ate ninyo kaya nawala sa isip ko yung inutos niyo kanina sa akin."

"Please Manang, make it quick. I'll be late sa school nito. Please lang Manang then habol mo sa akin sa dining area." nagmamadaling sabi ni Kevin habang inaayos ang buhok sa tapat ng salamin.

9:00 o'clock ang pasok niya ngayon sa school. He needs to be on time today because they have an exam. Hindi siya pwedeng ma-late dahil mahihirapan siyang makiusap sa prof niya if ever since strict ito tuwing may mga exams sila sa class.

"Hiyo, seat down first and join us for breakfast." wika ng mommy niya.

"Right hijo, join us ng mommy mo. I have an important thing to tell to you also." segundang sabi rin ng daddy niya.

"Well, Dad.. Mom, I'd really like to join you for breakfast today but I'm running late for class. Got an exam at 9am." sabay tingin sa timex niyang relo. 8:30 na. Almost 30 minutes ang travel time niya from their home to school. He got to rush if he wants to be there on time. Mabilis siyang humigop ng coffee then had a bite of nugget. "Bye Mom.. Dad." sabay halik sa pisngi ng ginang.

"Have a great day ahead hijo." tapik ng Mom niya sa balikat niya.

"Manang... Polo ko!"

Bago pa man siya sumakay sa bagong-bago niyang sports car eh naabot na ng kasambahay sa kanya ang polo. Before mag-9am ay saktong nasa gate na siya ng school at magpa-park na lang.

"Hoy Kevin!" isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

"What the hell." nilingon niya ang pinang-galingan ng sigaw. "Kung mamalasin ka nga naman talaga... Shit." bulong niya sa sarili habang marahan na sinuklay ang buhok niya at inalis ang suot na shades sa mata.

"Hoy Kevin! Anong nakain mo't jan ka pa talaga nag-park sa teritoryo ko?!"

"Nagmamadali ako Nicolas. May exam ako now.. Mamaya ililipat ko na lang." pagtitimping saad nya.

"Gusto mong ako na maglipat ng kotse mo para malaman mo kung saan ang tamang parking space ng mga AMPON na katulad mo?!!" pagbibagay diin sa salitang ampon ni Nicolas na ikinatawa ng mga barkada nito.

Biglang nag-galawan ang mga muscles nya sa panga. Pansin rin ng panig ni Nicolas ang pagtitimpi niya kung kaya naghanda ang mga ito sa maaaring mangyari. Hindi dahil sa nag-iisa siya kaya hindi niya papatulan ang mga ito, dahil isa siyang black belter. Ayaw lang niya ng gulo. Dahil narin sa pangalang iniingatan niya saka para matapos na lang ang lahat at ng makaabot pa siya sa exam nila, mas minabuti na niyang ilipat ang kotse sa parking lot na malapit sa canteen. Dun sa walang nakalagay na Reserved. As expected, late siya ng ilang minuto. Mabuti na lang ay nagdi-distribute pa lang ng test papers ang prof nila. Nagmamadali na siyang umupo at naghanda para sa exam.

I LOVE YOU, LUPA MAN AKO Where stories live. Discover now