Chapter 3: J's Graduation

2.1M 49.2K 12.9K
                                    

Jeydon's Point of View


"HYUNG, OKAY KA lang ba?" Ngumiti lang ako sa kaniya. Ayokong maging mahina sa harap nila. "Huwag kang magsinungaling sa 'kin, kilala kita."

Ginulo ko na lang 'yong buhok niya, hindi pala ako puwedeng maglihim sa kaniya. Kapatid ko nga talaga siya.

"Okay lang ako, sira."

"Okay mo mukha mo! Mukhang Biyernes santo 'yang mukha mo, puwera na lang kung ganiyan talaga 'yang itsura mo!" sabi ng kapatid ko tapos tumawa siya nang malakas.

Sinamaan ko nga siya ng tingin. Loko talaga 'tong si Jayshin. Manang-mana siya sa 'kin. "Wae? I'm just telling the truth. Ang pangit mo!"

"Naririnig mo ba 'yang sarili mo, ha?" Ako naman 'yong tumawa nang malakas. "Kapag narinig mo 'yong pangalang Jeydon Lopez, isa lang 'yong maiisip mo, ang tunay na batayan ng kaguwapuhan." Tumawa ulit ako pero deep inside hindi ko pa rin mapigilan na malungkot. Inaaliw ko na lang din 'yong sarili ko. Aanhin ko 'yong kaguwapuhan kung hindi ko naman kasama 'yong babaeng mahal ko. Lintek, nagdradrama na naman ako.

"Jeydon, get ready," sabi sa 'kin ng professor ko.

Iniwan ko muna sina Mama at Jayshin pagkatapos naglakad ako papalapit sa stage. Halu-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Saya, kaba, at saka lungkot. Abnormal nga siguro talaga ako.

"Jeydon here!" Narinig ko 'yong boses ni Ate Jaycee tapos hawak niya 'yong camera niya. Pinilit kong ngumiti. "Hey! Don't fake your smile!" Hays! Ganoon ba ako ka-obvious? "Smile!" Inisip ko na lang si Candice si Ate. "There you go!" Effective pala. Lakas talaga ng tama ko.

"Jeydon Lopez." Pagkasabi sa pangalan ko, umakyat na ako ng stage.

Habang naglalakad ako papunta sa dean namin, nakatingin ako sa mga tao sa baba. Para akong tanga kasi hinahanap ko si Candice kahit alam kong wala siya rito. Hanggang sa makalapit ako kay dean, wala pa rin si Candice.

Inabot niya sa 'kin 'yong diploma ko. "Congratulations, Jeydon," sabi niya.

"Kamsamhamnida." Nag-bow ako sa kaniya at pagkaharap ko, nanlaki agad 'yong mata ko. "Candice?" Kahit ang daming tao, nakita agad siya ng mga mata ko. Nakangiti siya sa 'kin at may hawak pa siyang banner.

'Congratulations Jeydon Lopez'

Nababaliw na ata ako. Sa sobrang kagustuhan ko na makita si Candice nagha-hallucinate na ako. Sana nga totoo na lang 'tong hallucination ko. Sana nga nandito talaga siya. Pero hindi puwede eh kasi nando'n siya sa New York.

Nag-bow ulit ako sa dean at professors ko tapos nagmadali na akong bumaba ng stage. Sinalubong naman agad ako nina Mama.

"Congrats, hyung!" Ginulo ko ulit 'yong buhok ni Jayshin.

"Congratulations, anak. I'm so proud of you," nakangiting sabi ni Mom.

"Thank you, Mom, Jayshin. Mahal ko kayo at para sa inyo 'to." Hinila ko sila palapit sa 'kin tapos niyakap ko silang dalawa.

"How about me? Wala akong hug?" singit ni Ate Jaycee tapos lumapit siya sa 'min at nakisali sa group hug. "Congratulations, Jaydee. And hey, I guess someone also wants to congratulate you." Tiningnan ko si Ate at ang lapad ng ngiti niya sa 'kin.

Tumingin ako sa harap namin at sa hindi malayo nakita ko na naman si Candice at dala pa rin niya 'yong banner. Nagha-hallucinate na naman ba ako? "Si Candice ba talaga 'yan?" tanong ko.

"Hindi picture lang 'yan," asar ni Jayshin.

Tiningnan ko si Mom at Ate at tumango lang sila. Ibig sabihin totoo nga talagang nandito siya.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon