Pangarap, o munting pangarap
Ngayo'y unti unting nakakamit
Ngunit kailangang isuko ang taong nasa harap
Dahil ang munting pangarap ay matagal ng nakaukitTaon ang lumipas, nagbago ang takbo
Siya ay nagmahal ng totoo
kaya ngayon ang lahat ay nagulo
Ano ang pipiliin? Ngayon siya ay nalilitoPangarap na ilang taong pinanghawakan
O siyang nagmamahal ng tapat?
Ito'y patuloy na pinag-iisipan
At inaalam kung ano ang dapatPagmamahal ba'y sapat na para manatili?
O patuloy na abutin ang hinahangad?
Manatili sa tabi ng taong nahuli ang kanyang kiliti
o sundan ang matagal ng inaasam.
YOU ARE READING
Inner Thoughts
PoetryThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...