Chapter 60

29.9K 854 490
                                    



Zoe's POV

"Kailan ba titila ang ulan na yan?" may banas na sabi ni Steph. Nasa greenhouse kaming apat nila Alexa Linnett.

Pangatlong araw ko na nga dito sa mansyon nila Alexa dahil ang lakas pa din ng ulan. Binaha na nga yung kalsada sa harap ng mansyon nila Alexa kaya hindi din nakauwi sila Tito kahapon dahil don, nagcheck in na lang sila sa isang hotel.

Nag-aalala na din ako kanila Astra dahil napasukan na daw sila ng baha. Grabe ang bagyo ngayon.

"Hoy ano yan!" sabi ko nang mahuli ko si Linnett na dalawa ang kinuhang pawn ko. Naglalaro kami ng dama dahil hindi kami marunong mag-chess. Si Steph at Alexa lang marunong non.

Natatawang ibinalik nya ang pawn ko.

"Parang bata." sabi ni Steph. Nakahalumbaba sya samin. "Ayan oh, tatlo pa."

"Walang tuluran! epal 'to." sabi ni Linnett.

"Kahit hindi nya naman tinuro makikita ko eh." natatawang sabi ko at minove ang horse ko tsaka hinakbangan ang tatlong pawn ni Linnett.

Nagpatuloy kami sa paglalaro habang yung dalawa nanonood samin na minsan nag-uusap.

"Zoe, 'di ba isang buwan lang kayo dito?" tanong ni Linnett habang nakatingin sa chess board.

"Oo bakit?" minove ko ang pawn ko sa pagitan ng horse at pawn ko.

"Eh 'di ba nililigawan mo si Alexa? paano yan kung babalik na kayo sa inyo?" napatigil naman ako sa tanong nya.

Tumingin ako kay Alexa na nakatingin sa chess board. Sa totoo lang hindi ko naisip ang tungkol don.

"Hindi ko pa alam." sagot ko at ibinalik ang tingin sa chess board dahil baka masalisi na naman ako ni Linnett. "Sa ngayon, ineenjoy ko muna na kasama sya. Wala lang sanang epal." bulong ko lang sa huli.

"Ano sabi mo?" tanong ni Steph pero umiling lang ako sa kanya.

"Hindi ba Papa mo si Mang Elvis? bakit hindi ka na lang sa kanya tumuloy para hindi ka na umalis dito?" tanong ni Linnett.

"Hindi pa maayos ang lahat." sabi ko. Siguro hindi matutuloy ang uwi nila Mama dito bukas dahil sa bagyo.

"Sana kapag maayos na ang lahat dito ka na lang." napatingin ako kay Linnett. Naka-pout ang mga labi nya. "Ang saya mo kasing kasama." ngumiti ako sa kanya.

"May magseselos, tigilan mo yan." nakahalumbabang sabi ni Steph.

"Ay sorry." natatawang sabi ni Linnett. Napailing ako sa kanila. "Virgin ka pa, Zoe?"

Nabigla ako sa tanong nya. "Hmm...hindi na." bigla akong nahiya dahil nasa tabi ko lang si Alexa.

"Hindi mo ba narinig? natikman na sya ni Barbara." sabi ni Steph. Napangiwi ako. Ang panget kasi ng words na ginamit nya.

"Hindi eh, busy ako sa pagkain. Kahit na kinukwento ni Alexa sakin yung tungkol kay Zoe hindi ko alam na sya pala 'yon." sabi ni Linnett. Napatingin ako kay Alexa dahil naikwento nya pala ako kay Linnett. Sabagay magbestfriend naman kasi sila.

"Eh ikaw? virgin ka pa?" tanong ni Steph kay Linnett. Usapang virgin na ang nangyari.

"Syempre naman 'no!" proud na sabi nya. "Hindi na!" natatawang sabi nya. Napanganga ako dahil tuwang tuwa pa sya na hindi na sya virgin.

"Gago." sabi ni Steph na ikatawa lalo ni Linnett.

 "Bakit ikaw?" tanong pabalik ni Linnett kay Steph.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon