Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 7

2.8M 55.3K 62.1K
                                    

Aemie's POV

Nasa loob ako ng supermarket dahil sabi nung babae sa front desk ng hotel ay dito raw ako makakabili ng fishballs at kikiam. Nasaan ba dito ang mga fishball? Sabi nung babae kanina sa front desk dito raw sa supermarket makakabili eh—

"Waaa ito! Hehe, akala ko nagoyo ako dun eh."

Halos mapuno ko ang push-cart ng mga fishballs at kikiam. Siguro naman okay na 'to para ipagbenta bukas? Nag-ikot-ikot pa ako saglit sa loob ng supermarket para makahanap ng pagkain na pwede ipasalubong kay Zeke.

Natigilan ako bigla nung maramdaman kong may nakatingin sa akin. Paranoid na ba ako? O nahawa lang ako sa pagiging weird ni Zeke?

Gusto kong tumingin sa likod kasi ramdam kong nasa may bandang likuran ko lang yung kung sino man yung sumusunod na yun. Pero hindi ko na ginawang lumingon pa, syempre no! Baka makahalata pa ako na alam ko, kaya kailangan ko umisip ng paraan kung paano ko siya mahuhuli ng hindi ako napapansin na nakakahalata.

Tulak-tulak ko ang push-cart, ipinagpatuloy ko ang paglalakad at pag-iikot-ikot dito sa loob hanggang sa makarating ako sa part na kakaunti ang mga tao.

Oh my god!

This time, hindi talaga ako pwedeng magkamali. Meron talagang sumusunod! Naaninag ko sa peripheral vision ko ang isang babae na kunwari ay nagtitingin ng kung ano-ano.

Sinubukan ko pang magpanggap na nakatingin sa mga paninda na malapit sa kanya pero umiwas siya ng tingin.

Sinamantala ko ang paglapit sa kanya habang hindi siya nakatingin. At eksaktong pagharap niya ay nakita ko kung sino ang babaeng kanina pa nakasunod.

"A-Ate Aemie," bati niya pero obvious ang kaba sa reaksyon at tono ng boses niya.

"Milka, bakit mo ako sinusundan? May kailangan ka ba sa akin?" diretsong tanong ko.

"Huh? H-hindi ako nakasunod, naghahanap l-lang ako ng—" Tinignan niya ang paligid kaya napangiti ako, dahil hindi niya rin napansin na dito ako nagpunta sa diaper section ng supermarket.

"Diaper? Naghahanap ka ng diaper? Para kanino? Wala ka pa namang baby, 'di ba?" putol ko sa sinasabi niya. Mas lalo naging balisa ang reaksyon niya. Kung kanina ay mukha lang siyang kinakabahan, ngayon ay may kasama pang paglingon-lingon sa paligid.

May kasama kaya siya?

"Ahh—mauuna na ako, Ate Aemie, ha? Baka kasi hinahanap na ako ni Kuya Vash," paalam niya at saka nagmadaling umalis.

Ni hindi ko na nga nagawang makapagpaalam nang maayos sa kanya.

Maglalakad na sana ako pabalik sa pushcart nung may ma-feel akong kakaiba kaya imbes na sa push-cart ako dumiretso ay sa kabilang side ako pumunta para silipin kung may tao. Baka naman kasi hindi pa tuluyang umalis si Milka.

Puro mga namimili lang ang nakita ko at wala ni isa sa kanila ang mukhang kahina-hinala.

Hay! Paranoid lang talaga siguro ako—"Aray!" Halos matumba ako nung may mabangga akong kung ano.

At paglingon ko—

Magpapasalamat sana ako sa lalaking nakasalo sa akin pero—

OH MY GOD!

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang isang lalaki na sa itsura pa lang eh nakakatakot na. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang kamay niya na may hawak na baril habang nakasuluksok sa gilid ng pantalon niya.

Dali-dali akong tumayo at naglakad nang mabilis palabas ng supermarket.

Tuwing lilingon ako sa likod ko ay nakikita ko pa rin ang lalaking sumusunod. May kasama pa siyang dalawa pang lalake kaya mas lalo akong na-tense.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Yana, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Yana
@Yanalovesyouu
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 40 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Yanalovesyouu.
My Husband is a Mafia Boss (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon