Nico 118

1.5K 84 20
                                    

"Are you finally choosing me?" Nakangising sabi ng lalaking kaharap niya.

Nanginginig pa rin ako. Wala na si Athena. Sa mundong ito, isa siya sa naging matalik namin na kaibigan. Nakakalungkot na naging huli ang lahat upang ibalik ang pagkakaibigan namin.

"Yeah, I'm choosing to be a beast, for you. To kill you." Halos tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. This is not the Lex I knew.

"Ilang buhay ang nawala. Ilang tao ang tinakot mo. Ilang tao ang pinaglaruan mo." Malamig na dugtong nito.

Ramdam na ramdam ko ang poot niya, galit siya. Masama ito, hindi pwedeng magpakain siya sa galit. She should control herself or else, Hydrus will be the one to control her.

Pero hindi ko siya masisisi. Tinakot siya ng Enigma. Ang dami niyang pinagdaanan, hindi kagaya namin na nagbalik agad ang memorya kung kaya't kinaya namin ang laro.

Naaalala ko ang paghaharap namin noon, alam kong may tinatago siya, hindi ko alam kung ano, pero sinubukan ko siyang hulihin.

"Nico, we need to talk." Kumunot ang noo ko ng bigla niya akong hinarang pag labas ko ng silid.

"About what, Lex? Parang ang seryoso naman niyan." I said a bit laughing but the expression in her face tells me that she's serious about this.

"You never tell me about your tasks, meron na ba? May nagawa ka na ba?" Sunod sunod na tanong ko niya na nagpaatras sa akin.

Hindi niya pwedeng malaman na delikado ang mga nagiging task ko. Hindi niya pwedeng malaman ang mga ginagawa namin sa likod niya.

"A-Ah about that, wala naman pa akong natatanggap." Nag aalangang sabi ko. Fuck bakit ako nauutal, ni hindi ko siya matignan ng diretso.

"Hindi ka marunong magsinungaling, Nico, please, tell me about it." Napabuntong hininga ako at hinarap siya.

"Minor palang naman yung mga nagiging task ko... Ayoko ng mag alala ka," I lied.

"Nico naman, sabi ko sayo sasamahan kita pag may task ka, please tell me everything!" Napataas ang boses niya kaya napangisi ako ng mapait.

What is it that she's hiding? Alam ba niya?

"Bakit Lex, ikaw ba, wala ka bang tinatago na kahit ano sa'min?" Natigilan siya sa sinabi ko.

"W-What do you mean?" Naguguluhang tanong niya.

"Got you! That was just a joke." I smirked. She's hiding something, a that, I must know.

"Sige na Lex, cr lang ako, see you around." Saad ko bago ko siya tuluyang lagpasan ng parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung anong tinatago niya, kung nagbalik man ang alaala niya, wala akong makitang rason para itago niya ito sa amin.

Ayos kaming lahat ng umalis kami ng Aquanta, bago mawala ang mga memorya namin. Sa pag alis namin, memorya namin ang naging kapalit para makatawid kami sa mundo ng mga mortal.

Iba ang kila Eros dahil sila ay ipinadala dito para hanapin kami, samantalang kami ay tumakas at humingi ng tulong sa engkantong nangangalaga ng lagusan patungo rito kapalit ang aming alaala.

I was happy when I found out the truth, they are here. Though we have a big problem. Bukod sa hindi kami makakabalik ng wala ang alaala ni Levi, hindi kami makakabalik dahil pinipigilan kami ni Khiro.

He created Enigma with the help of Valentin's people. Isinanla niya ang sarili para lang makakuha ng karagdagan na kapangyarihan para buuin ang larong ito at para makuha siya.

Ang problema pa ay hindi na siya magawang makontrol ng sino man, lalo ni Kairo. He got stronger that he learn to stand on his own. He end up being a threat to everyone.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon