CHAPTER 21: A Special Friend?

25.3K 386 9
                                    

CHAPTER 21: A Special Friend?

 


SI DENISSE >>>>>>>>>>



Isang mapaglarong halik ang sumalubong kay Matthew, na kahit kailan naman hindi niya ginugustong mangyari.

“Tss, stop it Denisse.” – malamig na sabi ni Matthew.

Ngumiti lang si Denisse sakanya at sinundan ang lalaki na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Nasa isang mataas na lugar sila kung saan kita ang lahat ng building at maliwanag na city, kung saan una sila naging malapit sa isa’t isa.

“So, anong problema?” – tanong ni Denisse habang nagsisindi ng yosi.

“I told you to stop smoking.” – sabi ni Matthew.

“Isang stick lang naman, ano ba ikaw ang topic dito hindi ako.” – pagtataray ni Denisse.

Hindi na nakipagtalo si Matthew, huminga ito ng malalim at nagsalita.

“Nagkita na kami.” – sabi ni Matthew.

Napatingin si Denisse kay Matthew.

“Edi maganda.” –matipid na sagot nito.

“Hindi maganda yung pagkikita namin.” – sagot ni Matthew.

“At bakit? Tinaboy ka nanaman ba niya? You finally found her, pero ganun parin.. Haha! Useless ang paghahanap at paghihintay mo sakanya ng mahigit dalawang taon.. So pathetic!” – mapang asar na tono ni Denisse.

Tinignan niya ng masama si Denisse, kahit sanay na siya sa pananalita nito naaasar parin siya paminsan minsan. Pero agad din niyang binawi ang tingin niya dito.

“Yes, I finally found her.. Mapapasakin siya kung gugustuhin ko.” – sabi ni Matthew.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon