3 Danger

13.5K 332 9
                                    

Neri POV

Napasiksik ako sa dulo ng kama ng may pumasok na payat at armado na lalaki sa kwarto ko. May dala itong tray ng pagkain at habang inilalapag nya sa lamesa ang tray ay nakatingin sya sa akin at halata ang pagnanasa sa mga mata nya.

Kinilabutan ako ng malakas na pumito ang lalaki.

"Putangina! Ang sexy mo naman Miss! Sarap mo siguro! Sarap mong tikman! Anlaki ng mga iyan!" Anito habang pinapalibot ang tingin sa akin hanggang sa tumigil iyon sa aking dibdib. Mabilis na nahatak ko ang puting kumot at binalot sa suot kong puting gown. Halos hatakin ko na nga ang neckline nito pataas para lang takpan ang aking cleavage pero dahil low cut iyon ay laging bumababa at nakikita ang cleavage ng mayaman kong dibdib. Nagsimulang humakbang palapit sa akin ang manyak na lalaki.

"Huwag k-kang l-lalapit!" Takot pero matigas na aniko sa lalaki.

"Uy... iyan ang gusto ko eh... yung mga pakipot! Yung mga nanlalaban hanggang sa magmakaawa..." Anito habang may ngising aso sa labi nito. Malademonyo ang itsura nito habang patuloy sa paglapit sa akin.

"H-Huwag ka s-sabing l-lalapit!" Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot sa mga nangyayari.

"Patikim lang Miss! Masasarapan ka sa halik ko, pangako!" Manyak na anito habang humahakbang pa din palapit sa akin. Malakas akong sumigaw na nagpatuliro sa lalaki.

"Hoy! Miss! Huwag kang sumigaw! Puta ka!" Natatarantang anito pero patuloy lang ako sa pagsigaw hanggang sa humahangos na pumasok ang matangkad na lalaki na mismong nangkidnap sa akin, may apat pang lalaki sa likod nya.

"Burok, anong ginagawa mo?!" Matigas at pagalit na ani ng matangkad na binata patungkol sa lalaking payat na halos dalawang dipa na lang ang layo sa akin.

"W-Wala Seth! E-Ewan ko nga sa babaeng ito, bakit sumisigaw! Hinatidan ko lang naman siya ng pagkain at sinabing kumain na!" Takot ang mababakas sa mukha at tinig nung lalaking tinawag na burok.

"He tried to rape me!" Sagot ko na ikinatalim ng tingin nung Seth kay Burok na halatang natakot sa binata at napayuko.

"Tanga mo Burok, inuuna mong burat mo! Tangna ka! Mapapatay ka ni boss kapag ginalaw mo iyan! Alam mo bang nirereserba ni boss ang pagkabirhen nyan para sa kanya!" Nagtatawang ani ng isa pang lalaki na napagalaman ko na Diego ang pangalan, kasabay ng malakas na tawanan ng iba pang lalaki sa sinabi ng huli maliban lang sa matangkad na lalaki na ang pangalan pala ay Seth. Seryoso ang itsura nito at matiim na nakatitig sa akin.

"Walang gagalaw sa babaeng ito kung ayaw niyong taniman ko kayo ng bala sa ulo! Huwag nyo akong ipahamak kay boss dahil lang nalilibugan kayo!" Inisa isa nung Seth tignan ang mga tauhan sa likod nya na sabay sabay namang tumango.

"Naiintindihan mo ba Burok?!" Ani nung Seth habang tumigil ang paglingid niya sa payat na lalaki. Kahit ako ay natakot sa paraan ng pagtitig ng itim na itim nyang mga mata. Natatakot na tumango si Burok.

"Labas na!" Galit na sigaw nung Seth. Halata ang pagsunod ng iba sa matangkad na binata na halatang mas nakakalamang at nakakatakot na salungatin.

Halatang nainis pero lumabas na rin iyong tinawag na Burok habang binabatukan siya ng iba pang lalaki habang nagtatawa.

Naiwan kami nung Seth sa kwarto. Muli ay nakipagtitigan siya sa akin bago muli siyang sumandal sa sinarado niyang pinto. Malayo pero animoy pinupuno ng presensya niya ang maliit na silid.

"Anong ginawa niya sa'yo?" Walang emosyong tanong ng lalaki.

"W-wala. W-wala pa naman. Sumigaw ako agad, kung hindi ka pumasok malamang...." Nanginginig na sagot ko. Nangilabot ako ng maalala ang mahalay na tingin nung lalaki sa akin kanina. Tumango lang ang binata sa sagot ko. Nagumpisa ng mamula ang mata ko sa isipin sa pwedeng nangyari sa akin kanina. Mabilis kong pinunasan ang mata kong humapdi dahil sa pangingilid na ng luha.

Sinner Seth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon