Chapter 50 ♬ A Surprise for You

48.8K 897 87
                                    

Dedicated 'to para sa kanya... PaBertday gift ko na sa kanya 'to ahahaha hello Hannah! *kawai-kawai!* thank u so much dear for supporting my story. Alam kong lab na lab mo si Jace kaya bilang gift sau ko na idededicate itong chappie na 'to. Imaginine mo na lang na ikaw si Serene at ikaw ang nakatanggap ng surprise ahahaha. Love you girl ^3^)/ 

***

Chapter 50

(Revised & Edited. Konti. LOL.)

 

Serene's POV

Dumating kami sa school ng mas maaga kaysa sa dati. Ito yata ang way namin para magbagong buhay?

"Ang ganda talaga nila Nyree at Kelly"

"Sinabi mo pa at ang seseksi!"

"Ay. pero sino naman yung isang yun? katulong nila?" 

*sigh*

Nawala ang ngiti sa mga labi nila Nyree at Kelly pagkatapos marinig yun. Susugod sana sila kaso pinigilan ko at sinenyasan na 'wag ng patulan'. Kaya tinaasan na lang nila ng kilay yung mga nagbubulungan sabay irap. 

"Ate." pinagitnaan nila akong maglakad "Bakit mo sila hinahayaang ganunin ka? you need to atleast defend yourself."

"Oo nga ate. Kung kailangan nating bali-baliin ang mga buto nila gawin natin." suhestyon ni Nyree sabay tama ng dalawang kamay na parang buksingero "Ha! akala ba nila mahina tayo at lampa? nagkakamali ata sila." 

Ang brutal pa rin talaga nila kahit kailan. Sabagay, hindi ko rin sila masisi. Ganun na kasi kami noon pa lang. Kung mataray ka sa harapan namin ganun din kami sayo. Bawian lang yan. Haha. 

"Alam nyo tama kayo eh" huminto ako sa harap nila "Dapat lumaban tayo!" sabay taas ko pa ng isang kamay na parang isang katipunero

Sila. "Tama!" tapos ginaya din nila yung pagtaas ko ng kamay

"Dapat hindi tayo nagpapatalo sa kanila!" ako, sabay hipan ng bangs ko

"Tama!" 

"Dapat ipakita natin kung sino ang boss dito sa school na 'to!" feel na feel ko naman ang pagtataas ng kamay ano ako? Nangangandidato? O pakiboto na ako sa darating na eleksyon!

"Tama yan!!" tuwang tuwa pa nilang dagdag. Sang-ayon na sang-ayon sa mga plano ko. (Mga kalokohang plano)

"Dapat lumaban tay--"

 

"Psst! Psst! Ano yan ah?" 

Nagulat na lang kami ng biglang may pumutol ng momentum namin. Tsk, sayang nandun na eh! as in! Pero syempre nagjojoke lang ako. Haha

"Ay ano ka pulis? Kulang na lang pumito ka eh" pagjojoke ko sa dumating.

"Pinagsasabi nyo kanina? May himagsikan bang nagaganap dito? Bakit hindi nyo ako sinali?" 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon